✪ Ch. 12

746 8 0
                                        

 

CHAPTER TWELVE

 

Kung ikukumpara ang itsura ko sa araw na ito siguro isa akong nakilang owl na tahimik na humihigop ng fresh milk. Wala pa akong tulog. Kaya umiinom muna ako ng gatas dahil naniniwala akong makakatulog ako later. Kasalukuyan na rin akong nasa kusina ng aming boarding house. Bigla kong nakita si Seth na papunta din sa kusina.

“Ang aga mong nagising ha o hindi ka nakatulog?” Tanong niya habang dumiretso sa ref at kinuha ang isang bote din ng fresh milk. Lumapit siya sa akin. Ngumiti ako.

“Pwede bang parehas ang sagot ko sa tanong mo? Parehas ko kasing naranasan. Pakiramdam ko kasi lumilipad pa rin ako at lumulutang sa alapaap.” Pagpapaliwanag ko with matching actions pa para naman ma-emphasize na totoo iyong nararamdaman ko.

“Naka-drugs ka?” Tanong niya. At doon ako napadilat at napatingin. Hindi siya nakatingin sa akin.

“Batok you want?” Sabay pakita ng aking fist sign. Pero hindi siya sumagot at ininom niya lang ang kanyang inumin. Iniisip kong cool din pala ang taong ito no? Tatahimik tapos minsan kakausapin ka, tapos minsan magiging loner. May sariling characteristic. Mabilis magbago ng mood. Kumbaga sa isang biology class, isa siya sa mga kakaibang specie na interesting pag-aralan.

Tumingin lang ako sa kanya hanggnag sa napansin ko ang kanyang boyish figure. Lalo na iyong lips niya. Napaka-perfect! Ang amo tignan. Napatingin lang ako hanggang sa hindi ko namamalayang nakatingin na rin pala siya sa akin. Ops, bisto na ito.

Sabay iwas.

“Kung hindi mo lang kamukha si Kath iisipin kong minamanyak mo ako.” Pagbibiro niya, binalik ko ulit ang aking tingin pero ngayon ay masama na.

Mas lalo siyang ngumiti, ngumit na abot na hanggang tenga.

“Chura mo. Tigilan mo ko Seth.” Pagbabanta ko.

Tumawa lang siya. Iyon lang ang ginawa niya at halos hindi ako makapaniwala dahil nakikita ko siyang ganito. Siya ba ito? O baka ka-doppelganger lang niya?

Hindi siya tumigil sa kakatawa hanggnag sa ako na ang nagpatigil sa kanya. I tried to be nice. Hindi ko kasi alam kong papaano ko siya papakisamahan, but as usual friendship moment ng mga magkakaibigan. Sinuntok ko nalang siya ng mahina sa braso.

“Tumigil ka‼” I ordered but he keeps on laughing.

Hanggang sa napatigil na lamang siya ng makarinig ng intrada ng mga yabag ni DJ. Sabay pa kaming napalingon.

As usual, hindi rin nagbabago ang facial expression ng lalaking ito. Blank face. Emotionless itong pumasok sa loob ng kusina at dumiretso sa ref.

“Ang saya niyo.” Comment pa niya sa pinakasupladong boses nito.

After that he went upstairs without smiling or looking at us. At naalala ko iyong nangyari kagabi.

“Okay na kayo?” Tanong ko.

Nagkibit balikat si Seth.

My Superstar  ✪Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon