✪ Ch. 26

418 9 6
                                    

Chapter 26

 

Friday. Afternoon. Mahangin sa labas. Pero kahit sobrang hangin hindi pa rin matanggay ang lungkot, sakit at takot na bumabalot sa puso ko. Apat na araw na ang nakakalipas. Wala pa rin akong naririnig na kwento tungkol sa ate ko. Wala pa akong natatanggap na tawag.

Naging busy din ang ibang tao dito sa boarding house. Hindi ako pwedeng lumabas, hindi ako pwedeng magpakita, magparamdam sa mga tao. Kailangan ko munang magtago. Utos iyon ni Dipsy.

Matapos ang paglabas namin ni Lester noong nakaraang araw, para na akong preso dito sa loob ng bhouse. Naghihintay ng himala. Naghihintay sa kanya.

Pero wala pa ring dumadating.

Nakahiga lamang ako dito sa loob ng kwarto. Nakatingin sa bintana at sinusubukang makiayon sa klima. Maaliwalas ang panahon ngayon. Pero ang puso’t isipan ko ay hindi ko maikukumpara sa panahon. Nagugulahan. Hindi alam kong ano ang dapat gawin.

Sinubukan kong buksan ang facebook. Pero walang bago, ganoon parin. Maraming problema, maraming pinag-uusapan at pinag-aawayan. Kaya isinara ko na lamang. Tumayo ako, tumunggo sa bintana. Nilingon ang cellphone na hawak ko.

Nakita ko ang picture namin ni DJ. Ginawa ko siyang wallpaper. Kuha ito sa  auction. Dahil bored na bored akong nakikinig noon sinubukan kong magselpie, at ayon nakisali siya. This is our first photo, would it be the last? Napangiti ako. Pero at the same time nasaktan. Natakot. Paano kong last na nga ito? Remembrance ko na lang? Wala na bang kasunod? Masyado naman yata akong abusada.


I smirked. I locked again the phone at doon ko naalala ang usapan namin noon ni DJ sa phone. Kung paano siya nagpaalam sa akin. Kung papaano niya ako hindi sinupot sa mahalagang araw ko.  Masakit, pero wala akong karapatan para masaktan. I deserve it.

Napapikit na lang ako. Yes, I deserve it. I deserve to be left by someone. Dahil anong karapatan kong mahalin ang isang taong alam kong hindi magiging akin? Bakit pa ako aasa? Tapos na ang kwentong pinangarap ko. Tapos na, kaya bakit ko pa ipagpipilitan?

I opened my eyes. Try to take a step. I did it. Hanggang sa hindi ko namamalayang nakalabas na ako sa loob ng kwarto ko at napunta sa tapat ng pintuan ng kwarto ni DJ. Namimiss ko na siya, aminado ako. And I think, I need to end this.

Pumasok ako. Holding a hope on myself. Naalala ko ang mga panahong nakaakbay siya sa akin habang lasing. That is my first day na nakapasok sa loob ng kaniyang kwarto. And it still the same, I feel the love. Nostalgia. Biglang umandar ang maliit na senaryo sa aking mata.

Kung papaano ko binuksan  ang pintuan, kung papaano siya nakaakbay sa akin. Kung papaano ko siya tinitignan. Kung papaano kami naglakad hanggang sa marating namin ang kama. Kung papaano ko siya tinapon para makapagpahinga na siya, kung papaano niya ako hinila. Kung papaano niya ako tinignan sa mata. Kung papaano niya ako hinalikan sa labi.

At kung papaano pumatak ang luha sa aking mga mata.

Hindi ko namamalayang umiiyak na ako pagkarating sa mismong bed niya. Sinubukan kong pigilan ang bugso ng aking damdamin. Pero hindi ko mapigilang sabihin ng puso kong mahal ko siya.


Mahal ko siya, pero ako lang ang nakakaalam. Masakit.  Mahal ko siya, pero may mahal siyang iba. Mas masakit.

I wiped the tears on my cheeks at doon ko napansin ang isang box na blue sa may study table niya. Doon ko naalala ang mga sinabi niya sa akin noon.

Punta ka sa room ko, may makikita kang box doon. Gift ko sa’yo. Happy birthday!

 

Unti-unti kong naalala ang mga sinabi niya. Unti-unti rin akong kinabahan. Ang box na ito ay ang regalo niya sa akin. May laman ito sa loob. Pero bakit niya kailangang mag-effort ng ganon ganon  na lamang. Mas lalo niyang pinapasakit ang puso ko.

I stand up and reach the box. Pagkahawak ko, hindi ko alam kong bubuksan ko pa ba. Baka mas lalong higpitan ng puso ko ang nararamdaman ko sa kanya.

But I made a choice, I open the box. May ribbon itong white. So inalis ko muna iyon at unti-unting binuksan ang box. Hindi ko agad nakita ang laman ng box. Dahil sa isang note na naging dahilan ng mas lalo kong paghagulhol.

Dear Ryne,

In a world full of wrong you're the thing that's right. Happy Birthday! :)

-DJ

 

I try to stop my tears from falling apart. But I can’t especially when I see the gift that he gave to me.

It is the dolphin-heart necklace.

And  all the things came out to my mind. Binili niya ito ng milyon, para sa akin. Para maibigay sa akin. Akin nga ba talaga ito? Pero bakit? Bakit kailangan niyang mag-effort? Bakit kailangan niya akong bigyan ng gift? Bakit kailangan niya akong pasayahin? Bakit andaming tanong? 

Author's Note:

Sorry for 'no conversation' update this day! Gusto ko lang talaga ninyong maramdaman ang sakit na nararamdaman ni Ryne ng mga panahong ito. Maraming salamat muna sa mga nagbabasa at nag-iiwan ng comment nila sa CB. I love you na guys! Sorry sa mga hindi ko madedicate na mga nagbabasa. :( Kahit gustong gusto ko. Anyway, maraming salamat talaga!
I tried my best to write it in the most heartbreaking scene. Nakinig pa ako ng mga Heartbreakin songs.


Leave a comment please! Ano kayang gagawin ni Ryne sa niregalong necklace ni DJ? Kelan babalik si DJ? At sino ang pipiliin ni DJ sa dalawa?

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon