✪ C.1

2.7K 19 1
                                    

CHAPTER ONE:

Author’s Note: Sa totoo lang, wala naman talagang kinalaman iyong prolouge ko sa kwentong ito. Wala lang, para lang may masabi. Hahaha.  Isa itong fanfic. At dahil marami ring nag-ppm sa akin na gumawa ng kathniel, sige pagbigyan. Idol ko rin naman si Daniel eh.

At sorry kong may dalawa pa akon pennding story at heto nanaman ako umiiksena ng dalawa. T^T

Dedicated kay Rayne, alam kong mahal na mahal mo si DJ. Muah

~*~*~*~

Kath’s POV

Halos mapasigaw ako sa loob ng taxi ng kong maramdamang nag-vivibrate ang phone ko. Nakalagay pa naman ‘yon sa pocket ko. Kasalukuyan din akong narito sa Amerika. Nagkaroon kasi ng business trip si Mama kaya sumama ako sa kanya. Unfortunately hindi ko kasama si DJ. Sari-sarili muna kami ngayon.

And speaking of DJ, siya lang naman ang naging dahilan ng pagkabigla ko kanina. Tumatawag kasi siya. Ang lokong iyon, miss na naman ako.

“Hello, potpot.” Pang-aasar ko sa kanya. Alam ko nakasimangot na naman ito. Ayaw niya kasing natatawag na potpot. Pero may katarungan naman ang pagtawag ko sa kanya ng potpot eh. Ang payat niya kasi.

“Anong potpot ka diyan? Wala ka na bang ibang itatawag sa akin? Katulad ng babe? Ganon?” He demand. Tapos tumawa ito sa kabilang linya. Tsk. Baliw talaga.

“Anong babe ka riyan? Bakit ka ba napatawag potpot? Eh uuwi  naman na ako riyan sa Pinas. Ilang minute na lang nasa airport na kami.” Ilang araw lang ako dito sa Amerika miss na agad ako? Iba rin talaga itong si DJ. Sabagay, lagi kasi kaming magkasama kapag nasa Pinas. Kung saan man ako pupunta andoon din siya. Best friend slash manliligaw slash knight and shining armor ko siya eh.

“Eh kasi miss na kita. Buti naman at uuwi ka na. Kasi balak ko pa naman pumunta sa embassy at bumili ng ticket masundo ka lang diyan.”

Tumawa lang ako. Kahit kailan talaga nakakatawa siya pero sa pagtawa ko sa kanya, may halo ding kilig. Ilang taon na kaming magkatrabaho ni DJ. Siya na ang naging Loveteam ko simula’t sapol. At siya rin ang pinakaclose ko sa showbiz na lalaki. Isa pa, crush ko rin siya, at sabi niya crush niya rin ako. Kaya MU muna kami sa ngayon.. Pero ayoko lang sabihin kasi baka umintriga na naman ang mga chismoso. Alam na, kailangan ko ring pangalagaan ang career naming dalawa. Masyado pang maaga para aminin ang namamagitan sa aming dalawa, kung meron man.

“Haha. Hindi mo na kailangan pang gumastos. Pabalik na kami diyan.” I told.

“Ah oo nga pala nakalimutan ko, hindi nga pala ako dapat gumagastos ngayon. Kailangan kong mag-ipon.” Bigla niyang saad. Hindi gagastos? Ano namang trip nito at hindi muna siya masyadong gagastos?  At ano naman ang pinag-iipunan niya?

“Aba, marunong mag-ipon. Eh ano ba ang pinag-iipunan mo? Mind to share?” I asked. At narinig kong bigla siyang napabuntong hininga. Ano namang meron sa lalaking ito? Ang aga aga nagdradrama.

“Ahm..” he paused for a while. Biglang tumahimik sa kabilang linya.

My Superstar  ✪Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon