AN
7TH CHAPTER!!!!!!
_______________________________________________________________________________
ZYRA'S POV
Imbes na bukas ay nagpasya na ako na bumisita sa lungga ni Sarah nang gabing iyon.
Kadalasan ay nasa bahay lang nito nakatambay. Bahala na, pero mambubulabog ako sa kanya. LOL!
Ni hindi na nga ako nag doorbell dahil alam ko naman ang security code ng bahay niya. Malamang, ako ang nag install nun.
Ang malaking ipinagtataka ko ay bakit binago iyon kasi di ko mabuksan ang gate.
I rolled my eyes then decided to push the doorbell button.
Nagsisimula na akong mainis kasi nakailang pindot na ako ng doorbell ay wala pa ring nagbubukas. No choice ako kaya pinindot ko yung intercom at nagsalita. Yari ka sa akin, babae ka.
"Sarah Louella Alonzo! Lumabas ka sa lungga mo!" Ilang segundo pa ay nagmamadali na itong lumabas mula sa pintuan at pinagbuksan ako. Gaga talaga tong babaeng ito. Kailangan pang isigaw ng buo ang pangalan nito bago ako pagbuksan.
"Ano bang pinaggagawa mo at di mo ako agad pinagbuksan? Andyan ba si Mac?" yan agad bungad ko eh... Sanay na din kasi to sa ugali ko kaya no problem.
"Bakit naman kasi di ka muna tumawag bago ka pumunta?" yan naman yung sabi niya sa akin na nakasimangot.
Bago ako sumagot ay tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Naka pajamas ito at gulong-gulo ang buhok. Mukhang wala itong maayos na pahinga.
"Wala eh. Gusto kong mambulabog." Mas napasimangot pa siya sa sinagot ko.
Tumuloy na ako sa loob ng bahay. Welcome ako dito eh... Kahit sa mansion ng mga magulang nito ay welcome ako.. Welcome din sila ni Andrea sa bahay ko at doon sa bahay ng parents ko.
Pagkapasok ko sa bahay niya ay agad kong nilagay ang shoulder bag ko sa sofa nito na parang dinaanan ng bagyo. Mukhang doon ito natutulog at gumagawa ng mga dapat gawin sa fashion show nito. Nakita ko kasi na maraming mga papers ang nandoon na sa hula ko ay mga designs nito.
Matapos kong tingnan ang sala nitong napakagulo ay dumiretso ako sa kitchen nito. Kumuha ako ng fresh milk sa refrigerator nito. Parang bahay ko lang eh.
"Bakit ka ba napasugod dito?" sabi ni Sarah nang makabalik ako sa sala. Umupo ako sa tapat nito bago sumagot.
"Wala lang, stress ako. I need someone to talk to me to relieve my stress." then I sipped my milk.
"Stress reliever na pala ako. Bakit di na lang si Andrea?" tanong nito habang nagso-sort out ng designs nito.
BINABASA MO ANG
Perfectly Stolen
RomantikHow much can a person ask for a perfect life? How much can LOVE make people lose their sanity? How much can you do for a LOVE? Will you let it go or will you steal it? Life is never a fairy tale. Sometimes, cruelty is one key for happiness...