Chapter 8 - Get Together part 1

192 5 0
                                    

AN

MASYADONG MAHABA KASI ANG GET TOGETHER SCENES NILA KAYA GINAWA KONG DALAWANG PART.

THIS IS THE 8TH CHAPTER

_____________________________________________________________________________________

CARL'S POV

"Nag-away na naman kayo? Pang ilang beses na yan ah!"  yan yung naririnig ko mula kay Ray. Nasa CM's kami ngayun. Hapon pa lang kaya kaunti pa lang ang customers dito.

"I don't know what's gotten into her."  yan na lang yung nasabi ko. Nag under time nga ako sa office kasi masyado akong nai-stress sa mga pangyayari. Tiyak akong masesermunan ako ni Dad.

Di pa rin kami nagkakausap ni Lorraine after namin mag-away. That was 2 days ago.

"Nagpapa-under ka ata sa kanya?"  puna ni Sarah na girlfriend ni Mac. Naging kabarkada ko na rin siya dahil halos isang taon na din sila ni Mac at kapag may mga ganitong get togethers ay nakakasama namin siya. She's actually a lively companion. Di ka ata mabo-bored kapag kasama mo siya.

"Ano ba yang tanong mo Sarah! "   saway ni Andrea dito. Girlfriend naman ito ni Ray at katulad ni Sarah ay kahit papaano ay naging close niya ito. I have known her through business connections at sa kanila yung IBAF so I could say we are sort of an acquaintance... Mas naging close ko siya nung naging sila ni Ray.   "So ano Carl? Hiwalayan na ba yan?"   tanong pa nito sa akin. Napasmile na lang ako sa tanong niya at mas lalo akong napangiti dahil sa pag-aray nito nang batukan ni Sarah.

"Isa ka pa eh! Ikaw yung grabe makapag-react sa tanong ko tapos di man lang ni-review yung tanong niya.!" 

"Curious lang! Kung makabatok ka naman eh!"  reklamo ni Andrea. Napangiti ako sa dalawa. Di ko malaman kung seryoso ba ang mga ito sa mga sinasabi. I never mind it anyway.

"Pag-usapan niyo kaya yan?"  nasabi ni Loisa na asawa ni Sean. Buntis ito kaya juice lang ang iniinom. Napadaan lang din ang mag-asawa kasama ang isa pang mag-asawang Jane at Alex.

"I'm trying to call her, pero anong sasabihin ko? "  uminom ulit ako ng alak.

"Di mo alam ang sasabihin mo? You don't feel sorry at all?"  tanong ni alex sa akin. Napatigil ako sa tanong ni Alex.

I started to wonder.....

Perfectly StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon