AN
OK.. I HAVE TO ADMIT THAT I HAVE THIS VERY UNSUAL NAMING SENSE.... TECHNICALLY SLEEPING...
10TH CHAPTER!
__________________________________________________________________________________
ANDREA'S POV (SERIOUSLY, THIS IS HER FIRST POV SINCE THE START OF THE STORY...)
Nakalimutan ko ang bag ko sa CM's kaya magpapasama sana ako kay Ray para kunin yun kaso may aasikasuhin daw siya kaya si Sarah ang binulabog ko.
Mabuti na lang at pumayag ang bruha kaya magkasama kami ngayon.
Pasado ala diyes na ng umaga. Maaga ako nagising kasi hindi naman ako ganoon kalasing talaga eh kaya ok lang ang pakiramdam ko at ganoon din si Sarah.
Balak naming magpa-spa at yayayain namin si Zyra ngayon. Baka mamaya na lang namin siya daanan pagkatapos kong kunin ang bag ko sa CM's.
Pagdating namin doon, (ako ang nagda-drive at si Sarah yung katabi ko) ay napansin naming andoon pa rin sa parking area ang kotse ni Zyra.
"Baka nag-taxi siya pauwi. Nakainom din yun eh." nasabi ni Sarah nang mapansin niya ang pagtataka ko.
I just shrugged.
Nagpatuloy kami sa loob. Naglilinis ang staff nang pumasok kami."Yung amo niyo?" tanong ni Sarah doon sa janitor.
"Nasa third floor po. Baka gising na po yun." Nginitian namin ang janitor. Kilala na din kasi kami dito sa CM's kaya kahit mamaya pang hapon ang oepning ng bar ay pinapasok kami.
Nagpatuloy kami sa third floor. Pagdating namin doon ay nagkakalat pa rin yung pinag-inuman namin kagabi. Di pa namin nakikita si Carl.. Baka tulog pa ito.
Hinanap ko na lang yung bag ko. Nakita ko iyon sa may sofa.
Aalis na sana ako kasama si Sarah pero napansin kong may isa pang bag ang nandoon sa sofa. Kay Zyra.... Napakunot-noo ako. Hindi si Zyra yung tipong iniiwan ang bag sa kung saan. Sobrang maingat yun sa mga gamit eh....
I looked at Sarah pero di naman ito nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko sa loob. May nakita akong pintong di nakasarado.
I don't know, but something tells me I can find something there kahit pa alam kong hindi maganda ang mag-invade ng privacy.
Sumilip ako sa kwarto. I am surprised!!! Of course I am not surprised na may kwarto doon kasi sa pagkakaalam ko, natutulog doon si Carl kung minsan. ang ikinasurpresa ko ay ang nakikita ko ngayon.
Carl and Zyra anre cuddling each other while asleep.
BINABASA MO ANG
Perfectly Stolen
RomanceHow much can a person ask for a perfect life? How much can LOVE make people lose their sanity? How much can you do for a LOVE? Will you let it go or will you steal it? Life is never a fairy tale. Sometimes, cruelty is one key for happiness...