Chapter 9 - Get Together part 2

196 2 0
                                    

AN

9TH CHAPTER.....

__________________________________________________________________________________

Nag end na yung tawag namin ni Sarah. Lumabas na ako ng store para maghanap ng ibang boutique na pwede kong pagbilhan ng ipapares ko sa gown.

Napadaan ako sa Louboutin Shoes area. May nakita akong bright nude colored high heels. 4 inches ang taas ng takong nito, pero kaya ko yun no.. Akala niyo.. LOL

Strappy style ito. Iyon na ang pinili ko pero napanganga ako sa presyo. Muntikan na nga akong umurong sa pagbili nun dahil sa sobrang mahal.

Pero kahit ganoon, binili ko pa rin. Kaya ko naman bilhin kaya ok lang.

I might not be as rich as Andrea and Sarah but at least I can say that I am  well off.

Sunod kong pinuntahan ang Ferragamo Clutches. Kinuha ko yung halos kapantay na kulay ng sapatos na kinuha ko.

Di na ako pumili ng alahas kasi meron naman akong set sa bahay kaya yun na lang ang susuotin ko.

Grabe! halos pang dalawang buwang sweldo ko na ang nagastos ko sa araw na to! Almost 200,000 kasi ang sweldo ko sa isang buwan. Di pa kasama ang bonuses ko mula sa mga kliyente at pati na rin sa university kung saan ako nagtuturo ng iilang subject. Di rin kasali doon ang kita ko sa Apartelle business ko na tinayo ko 3 years ago.

Roughly, kumikita ako ng more than two million a month dahil na rin sa mga investments ko.

(MAYABANG BA AKO??? i AM JUST TELLING THE TRUTH... LOL)

Matapos kong mag-shopping  ay kinuha ko na ang gown. Ihahatid ko muna ang mga dala ko sa bahay. Alangan namang dalhin ko to sa bar di ba?

Pagkadating ko sa bahay, agad kong nilagay ang gown sa walk-in closet ko at nagbihis na rin ako.

Nakakahiya naman kung naka-formal attire ako na pupunta doon di ba?

Nagsuot ako ng black dress paired with nude heels. Kumuha na rin ako ng blazer just in case na malamig mamaya. (ZYRA'S ATTIRE ON THE SIDE.. ---->)

Sa CM's ako dumiretso matapos kong makauwi sa bahay. Dumiretso na ako 3rd floor.  Actually, di pa ako nakakapunta sa third floor kaya nagtanong ako sa personnel. Sa may-ari pala ng bar ang third floor na iyon kaya walang customers na makakapunta unless invited ka talaga.

Pagdating ko doon ay naabutan kong kumakain ang mga ito. Past 7 na din naman kaya siguro ay dito na lang sila kumain... Well, sabi nga naman ni Andrea na dito kami kakain...

Unti-unti akong naglakad.. Si Ray ang unang nakapansin sa akin.

"Zyra! Andyan ka na pala!"  tawag nito. Nagsilingunan naman yung iba. May nakita akong dalawang pares na mag-asawa kasi buntis yung dalawang babae tapos katabi ata yung mga mister nila.

Perfectly StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon