Chapter 15 - Hints

161 2 0
                                    

AN

DAPAT DI AKO MAG-A-UPDATE NGAYON... ANYWAY, THIS IS THE 15TH CHAPTER?

________________________________________________________________________________________

ZYRA'S POV

Busier than usual. 

Iyan ang araw ko ngayon. Simula nung party which is one week ago ay mas naging busy na ako dahil may mga time na ako ang nag-aasist kay Randy dahil ito naman ang nag-aasist kay Andrea na President na ng kompanya nila.

Usap-usapan pa rin ang party kahit isang linggo na ang nakakalipas. Napabalita ito sa TV at laman ng iba't ibang business magazines.

Nakita ko pa nga ang isang magazine na nag-feature ng event. Nakasulat doon ang tungkol sa event at sa mga kaganapan doon.

May isang page doon na naka-enlarge yung picture naming tatlo nina Andrea at Sarah. Ang nakalagay sa caprion:

"Birds of the same feather, gathers together: The three beautiful and gorgeous ladies: (L-R) Fashion designer, Sarah Alonzo. The Montague heiress, Andrea Montague and the Genius and Power Business Analyst, Zyra Rosello."


Nagulat ako doon ah. Lalo pa nung makita ko na kalahati ng isang page doon ay nakalagay ang litrato namin ni Carl kasama ang parents nito.  Sabi pa sa caption:

"Don't they look like a good family together? The richest family in the Philippines, the Millers plus the brilliant Asia's Business Analyst of the Year awardee, Zyra Rosello."

Tinanong ko nga si Andrea kung bakit ganoon ang nakasulat. Ang sabi lang niya sa akin ay "So?"  Mukhang nang-iinis ito kay Lorraine kaya hinayaan ko na lang siya. Ganun talaga siya eh. Wala naman akong magagawa kasi naka-publish na ang story na iyon.

Napahinto ako sa pag-iisip tungkol doon sa magazine dahil may pumasok. Agad ko namang pinapasok.

"Miss Zyra, may nakaabang pong mga clients na naghihintay ng mga BA. Paalala ko lang po na may report po kayo sa BOD(Board of Directors) sa Monday para doon po sa bagong system na nagawa niyo para sa bagong president. Then ito po yung reports ng mga Sr. BA."  sabi ni Rita. Siya ang personal secretary ko. Kinuha ko yung folders saka binuklat-buklat. Nakita ko ang mga feedback mula sa mga clients namin. And daming reklamo! 

Biglang uminit ang ulo ko. Talagang di nila sinusunod ang mga advices ko. They are too stubborn to be left alone!

"Schedule a meeting to all SR BA today. 4 pm. I want to talk to them. Tell all of them that I need exact reports on their progress. They better not be late!"  utos ko. Tumalima naman si Rita.

Nagpaalam na ito sa akin at aasikasuhin na nito ang kailangan nitong gawin. 

Perfectly StolenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon