A/N: SORRY. LATE UPDATE. BUSY PO ANG LOLA.. HAHAHA.
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
ZYRA'S POV
Gustong-gusto ko ng hambalusin tong si Carl at kanina pa ako kinukulit!
Nasa kalagitnaan kami ng meeting at may nagpe-present sa amin ng mga possible problems sa kompanya na kailangan kong solusyonan. Nasa center si Carl at siya ang nag-o-oversee ng report at nasa kanan niya ako. Katapat ko ang isang matandang executive ng kompanya nila.
Habang nasa kalagitnaan ng presentation, bigla na lang kinuha ni Carl ang kamay ko sa ilalim ng desk.
Tiningnan ko siya ng masama kasi baka may makakita sa amin pero ngumiti lang siya sa akin at patay-malisyang tumingin doon sa nagpe-present. Pilit kong kinuha ang kamay ko na hawak niya sa ilalim ng desk pero mahigpit ang pagkakahawak nito doon at wala naman akong magawa kung hindi ay manahimik at magpatay malisya na lang din sa ginagawa niya.
Okay na sana eh kahit ganoon ang posisyon namin kaso muntikan na akong mapatalon mula sa kinauupuan dahil naramdaman ko ang paghimas-himas nito sa kamay ko. He's caressing my hand and I will feel stupid for not liking it but for goodness' sake! We are in the middle of rhe meeting and he is freaking flirting with me!
I sighed. Nagtitimpi lang ako sa kanya.
I just gave him a warning look but he just smiled innocently at me. Wala naman akong magawa kasi wala itong balak makinig sa mga warnings ko.
Muli kong tinuon ang atensyon sa nagpe-present pero may ginawa na naman si Carl na umagaw3 ng atensyon ko!
Pasahan ba naman ako ng note na ang nakalagay ay:
"You look as beautiful as the sun who rose upon me. May you look more beautiful for me. ONLY ME. <3"
Nagblush ako dahil sa nabasa ko. Hindi ko alam kung sa kahihiyan o dahil sa papuri niya sa akin. Nevertheless, he is still doint it in the middle of the meeting and that pisses me off!
Sa sobrang inis ko ay bigla kong inagaw ang kamay ko na hawak niya. Nagulat pa ito sa ginawa ko.
He shot me a questioning and hurt look pero inirapan ko lang siya. I grabbed my pen and an extra paper at nagsulat doon.
Nakita niya na may sinusulat ako at mukhang natutuwa ito.
BINABASA MO ANG
Perfectly Stolen
RomanceHow much can a person ask for a perfect life? How much can LOVE make people lose their sanity? How much can you do for a LOVE? Will you let it go or will you steal it? Life is never a fairy tale. Sometimes, cruelty is one key for happiness...