Chapter 3

347 17 0
                                    

Itinigil ni Stephen ang Mustang niya sa harap ng malaking gate ng Montreal Flower Fields at gaya ng ginawa niya nang nasa Montreal Mall kami ay pagkababa namin ng kotse niya ay ibinigay niya ulit ang kotse niya sa lalaking mukhang nag-aabang doon.

"Anong feeling maging anak ng pinakamaimpluwensyang tao dito sa Montreal?"

Ngumisi nang nakakaloko si Stephen. "Curious ka? Gusto mo rin ba malaman kung anong feeling na boyfriend mo ang anak ng pinakamaimpluwensyang tao dito sa Montreal?

"Ewan ko sa'yo!" Inirapan ko naman siya.

Pagpasok namin sa loob ng flower fields ay dumerecho kami sa loob ng mismong fields at naglakad pa hanggang sa makarating kami sa may kubo na naroon.

"Dito mo ba dinadala ang mga babae mo?" sabi ko nang makitang may maliit na kama pa sa loob ng kubo.

Natawa naman si Stephen.

"Dinadala ko sila sa kwarto." Ngumisi pa nang nakakaloko si Stephen.

Nakaramdam naman ako ng hiya kaya nag-iwas ako ng tingin. Humagalpak naman siya sa tawa.

Bwiset ka talaga, Montreal!

Medyo mataas ang kinaroroonan ng kubo kaya kitang-kita ang ganda ng buong flower fields. Napangiti ako habang pinapanood ang mga makukulay na bulaklak na tila nagsasayaw dahil sa ihip ng hangin.

May tinawagan si Stephen para magdala sa amin ng pagkain at wala pang 15 minutes ay dumating na ang pinadala niyang pagkain.

"Kumain ka."

Tumango naman ako sa kanya. Kumunot ang noo ko nang tignan niya mula ulo hanggang paa.

"What?" Kunot noong tanong ko.

"Bakit ang ganda mo?"

Nagulat ako sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko kaya naitulak ko siya.

"Wag mo kasi akong ginugulat," naiilang na sabi ko.

Habang kumakain kami ay tahimik lang ako. Maging si Stephen ay tahimik lang din. Medyo naiilang lang ako dahil panay ang titig niya sa akin.

"Damn, my Andrea! I can't take off my eyes on you." Ngumiti pa siya na siyang nagpabilis sa tibok ng puso ko.

I hate your charm, Montreal!

Nagpaalam saglit si Stephen tapos nang makabalik siya ay may dala na siyang bouquet ng bulaklak.

"For you, baby." He grinned.

"Stop calling me, baby!" inis na sabi ko.

Sumeryeso naman ang mukha ni Stephen tsaka lumapit sa akin.

"Bakit? May magagalit ba?" matigas na tanong niya. Napalunok naman ako tsaka umiling.

"Very good. You wanna know why? 'Cause you're mine, Andriella Fontallejo. Only mine." He smirked.

Tumaas naman ang sulok ng bibig ko.

I'm yours pero hindi ka sa akin. Nakakatawa lang.

Nagulat ako sa paghalakhak ni Stephen. Kumunot naman ang noo ko.

"What did you say? Akin ka pero hindi ako sa'yo?"

Nanlaki naman ang mga mata ko.

Gaga ka talaga, Andrea! I was supposed to say it in my mind only.

Bigla nanamang sumeryoso ang mukha ni Stephen tapos ay humilig siya palapit sa akin. Derecho siyang tumitig sa mga mata ko.

"Do you want me to be yours, my Andrea?"

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon