Chapter 16

238 10 0
                                    

First day of school as a second year college student at kasalukuyan akong nakaharap sa salamin at hindi matapos-tapos sa pagpapaganda ng mukha ko.

"Masyado naman atang matingkad ang lipstick ko."

"Hindi sakto lang 'yan."

Pakikipagtalo ko pa sa sarili ko.

Ngayon na lang ulit ako naconscious sa itsura ko. At oo na! Siya ang dahilan. Nang kinatok ako ni Ate Kim ay doon lang ako natapos sa pakikipagtalo sa sarili ko at hinayaan na lang kung anong ayos na ang nagawa ko sa mukha ko.

"Blooming, ah?" Ngumisi pa si Ate Kim.

Ngumuso naman ako. "Nang-aasar pa, e." Natawa naman si Ate Kim.

Nang makababa kami ay katakot-takot din na panunukso ang ginawa sa akin nung tatlo.

"Iba talaga kapag may boyfriend." Nangingising sabi ni Kyril nang papasok na kami sa kotse.

"Tigilan niyo na nga ako!"

"Pikon pero kapag siya lakas mang-asar," natatawa pang sabi ni Vera.

"Hoy, Vera! Pareho lang tayo! Wag ka ngang magmalinis jan."

Humagalpak naman sila sa tawa.

"Pareho kayong ano?" nanunuksong tanong ni Briana.

"Parehong in love," sagot naman ni Kyril.

"Wow! Nahiya naman ako sa'yo, Kyril. Kung in love kami ni Vera,  ikaw in love na in love!"

Tumawa naman nang malakas si Kyril.

"Wag niyo nga akong idamay. Hindi naman ako in love," Pagdedepensa ni Vera sa sarili.

"Sige. Naniniwala kami." Ngumisi pa si Briana. Sinamaan naman siya nang tingin ni Vera. Nagtawanan naman kami.

Inihatid lang namin 'yong tatlo sa St. Celestine tapos ay dumerecho na kami sa St. Scholastica.

Malayo pa lang sa gate ng university ay tanaw na tanaw na ang kapal ng mga estudyante na nagkukumpulan sa harap ng gate.

"Anong meron?" nagtatakang tanong ko dahil malamang hindi ko maipapasok ang sasakyan ko unless mangbabangga ako ng mga estudyante na nakaharang sa may gate.

"Aga-aga eksena," sabi ni Ate Kim na nangingiti at tila may ideya sa nangyayari.

Ilang beses akong bumusina ng todo pero ayaw talaga nilang tumabi at tila hinaharangan pa lalo ako kaya naman napilitan na kami ni Ate Kim na bumaba muna.

"Ano bang meron-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang mahawan ang kumpol ng mga estudyante at lumantad sa akin ang gwapong boyfriend ko.

Ngiting-ngiti si Stephen habang may hawak na bouquet ng sunflowers. Naagaw din ang atensyon ko ng kumikinang na hikaw sa kanang tenga niya.

Gosh! And I guess he's really back, my Stephen Ashler Montreal.

"I don't know if you like sunflowers but they were beautiful as much as you. For you, baby."

Nakabibinging sigawan ang halos bumasag sa eardrums ko. May mga nanghihinayang pero mas marami ang kinikilig.

"Mas bagay talaga kayo!" Rinig kong sigaw ng isang estudyante.

"T-Thanks." Nanginginig pa akong kinuha ang sunflowers.

Lumapit sa akin si Stephen at kinurot ang ilong ko.

"You're blushing, baby," he teases.

Lalong nag-init ang mukha ko. "Hindi kaya!"

He chuckled.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon