Epilogue

556 16 1
                                    

Stephen

"Haven't you heard the news?"

Hindi ko nilingon si Kuya Steven. Nakafocus pa rin ang mga mata ko dito sa pinapanood ko.

"Sa St. Scholastica raw mag-aaral ng college si Andrea."

I clenched my jaw. "Wala akong oras para sa mga kashitan mo."

"Tumawag na rin sa akin si Sabrina. Alam mo na ang gagawin mo. Stay away from her or hurt her, dalawa lang ang choices mo."

Naikuyom ko ang mga kamao ko.

Bakit kailangan mo pa sa St. Scholastica mag-aral, Ella?

First day of school year.

"Sigurado ka bang dito siya mag-aaral?" tanong ni Sage. He knows everything.

"Iyon ang sabi."

He smirked. "So mukhang titigil ka na pananarget mo, huh."

My heart beats faster when I saw her.

She looks so beautiful. She's a lady now.

Andriella Fontallejo, the girl who owns my heart. Siya ang dahilan kung bakit naglaro ako ng mga babae. I want to forget her but I just couldn't.

Matagal na panahon na ang nakakalipas, masaya ako na nawala ang mga alala-alala ni Andrea para hindi na siya magsuffer pa dahil sa nakaraan pero masakit dahil hindi na niya ako maalala. Hindi na niya maalala ang unang taong inibig ng bata niyang puso.

Dahil sa nagawang pagkakamali ni Andrea kay Sabrina ay hawak nila ako sa leeg ng kuya ko, alang-alang sa ikaayos ng buhay ni Andrea. Dalawa lang ang choice ko ngayon na nagkalapit na ulit ang mga mundo namin ni Andrea, layuan siya o saktan siya. Make her fall hard for me then leave her. Paano ko naman magagawa 'yon sa babaeng pinakamamahal ko?

Ipinamigay ng daddy ni Andrea sa amin si Sabrina, sangkot na ang pangalan namin sa trahedyang sinapit ni Sabrina at isa pa ay hindi na rin siya iba kina Daddy kaya kinukupkop siya nito at pinalabas na lang na scholar siya ni Daddy noon pa para hindi ungkatin ang tungkol sa biglang pagdating niya sa buhay namin.

Unti-unting may nagkakaroon ng interes kay Sabrina kaya pinadala siya ni Daddy sa States at gumawa ng kwento na nagkaroon kami ng relasyon kaya siya pinatapon, sa tingin nila ay mas maganda nang iyon ang pagpyestahan kesa ang totoong nangyari kay Sabrina. She was raped because of her younger sister that is in love with me.

Sinakyan ko lang ang ginawang kwento nila para protektahan si Andrea, I will protect her at all costs. I stop singing in front of many people dahil naaalala ko si Andrea, siya ang unang taong naniniwala sa talentong meron ako, ang unang taong naghikayat para gawin ko ang gusto ko. Paano pa ako kakanta kung ang taong nagtulak sa akin para kumanta ay wala na? Kumanta lang naman ako noon dahil nangako ako na tutuparin ko ang gusto niya para sa akin, ang magkabanda ako. At nang mabuwag ang banda ay hindi na rin ako muli pang kumanta. Mas okay na nabuwag ang bandang 'yon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na lumapit kay Andrea.

"Miss, alam mo ba kung saan yung Political Science building? Transferee kasi ako dito."

Hindi pa rin talaga bumabalik ang ala-ala niya.

Sobrang saya ko sa tuwing kasama siya.

Gumagawa rin ng sariling palabas si Steven para masira kami ni Andrea dahil alam niyang hindi ko siya lalayuan at lalong hindi ko magagawang saktan.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon