Chapter 39

331 10 2
                                    

"Hoy, Andrea!" Galit na galit si Ate Sab.

"Bakit, Ate?" inosenteng tanong ko.

"Alam mo ba simula nang dumating ka sa buhay namin hindi na ako ganoon kamahal ni Daddy!" naluluhang sabi niya. "Because of you I'm not his favorite daughter now!" Nanlilisik ang mga mata niya sa galit.

I was 5 years and she was 7 years old.

Magkamukhang-magkamukha kami ni Ate Sab. Nakuha namin ang korean features ni Mommy.

"I'm gonna make your life a living hell!"

Unti-unting namuo ang mga luha sa mga mata ko. "Isusumbong kita kay Daddy!"

"Then go ahead. Kapag sinumbong mo ako aalis na kami ni Mommy dito sa bahay!"

Umiling-iling ako. "No, Ate! Dito lang kayo."

Ngumisi naman siya. "Then sundin mo lahat ng gusto ko."

Tumango naman ako.

"Mommy, aalis kayo?" excited na tanong ko. "Pupunta kami sa mall ni Ate Sab mo. Gusto mo ba sumama?"

Pinandilatan ako ng mga mata ni Ate Sab. Umiling naman ako. "No, Mommy!"

"I told you, Mommy. Niyaya ko na kanina si Andrea but she refused."

"Sige, maiwan ka muna namin kay Yaya Tina."

Humalik pa sa noo ko si Mommy bago umalis. Nang makaalis sila ay nagsimula akong umiyak. Gusto kong sumama sa kanila pero I should follow what Ate Sab wants para hindi sila umalis ni Mommy.

I was in 2nd grade while Ate Sab was in 4th grade.

Palagi siyang may award. Kahit hindi siya gaanong nag-aaral ay sobrang galing niya. And I really admire her. Gusto kong maging katulad niya.

Maganda, matalino at talented.

Palagi siyang kumakanta sa mga event sa school kasi napakaganda ng boses niya. I wish I had a voice like that.

Grumaduate si Ate Sab ng Valedictorian nung Elementary. At nasa 4th grade ako nang magsimula kong marinig ang pagkukumpara sa amin ni Ate Sab when I got a failing score in my exam in Math.

And now muli nanaman akong nakakuha ng failing score and worst is lowest pa.

"What happened to you, Andrea? Iyong Ate mo ay sobrang galing sa academic and extracurricular. Samantalang ikaw kung hindi bagsak ay lowest."

Nakayuko lang ako habang kinakausap ako ng adviser ko. Ang totoo ay hindi ako nakapag-aral kagabi dahil sa paglalaro ko ng play station.

"Here a letter. I want to talk to your parents."

"But my Dad is a busy person."

"Then I'll talk to your Mom. Andrea kailangan ko na makausap ang parents mo. It's a very serious matter and I'm afraid na kapag nagpatuloy pa 'to ay baka bumalik ka na ng grade 4."

Natakot ako sa sinabi ni Ma'am kaya naman kahit natatakot din akong malaman nila Mommy ang bagsak kong exam ay ibinigay ko pa rin ang letter.

"What?" Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ni Mommy.

Pinapagalitan ako ni Mommy nang dumating si Sabrina kasama ang magkapatid na Montreal. Gusto ko na tumakbo paakyat kasi ayokong marinig ng bunsong Montreal ang pagpapagalit sa akin ni Mommy.

He's my crush and his name is Stephen Ashler Montreal. Everybody calls him Stephen but I like his second name.

"Mom, what's happening?" tanong ni Ate Sab.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon