Chapter 2

441 16 0
                                    

Pagkatapos maglaro ni Stephen ay hinatid niya na ako sa bahay na tinitirhan ko sa may Hyacinth. Nagprotesta pa nga ako dahil naalala ko 'yong kotse ko.

"Don't worry about your car. Ako na ang bahala."

Tumango lang ako tsaka agad na bumaba. Mabilis niya pang pinaharurot ang Mustang niya. Napailing na lang.

Nadatnan ko sala si Kyril na nanonood ng t.v. Titig na titig siya sa akin tapos ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. Kumunot naman ang noo ko.

"Sino 'yong naghatid sa'yo, Andrea?"

"Ah, si Stephen Montreal."

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Kyril.

"'Yong anak ni Mayor? Seryoso ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yup. The one and only, Stephen Montreal," sabi ko tsaka sumalampak sa sofa.

"Grabe! Bigtime! Bakit ka niya hinatid? Ikaw ba 'yong bagong target niya?"

Kinakabahan ako kapag naririnig ko ang salitang target.

"Alam mo rin 'yon?"

Tumango naman siya. "Oo naman! High school pa lang ginagawa niya na 'yan. Grabe! Ang swerte mo! Stephen Montreal lang naman 'yon kaya ikaw, ienjoy mo lang basta wag ka lang mainlove sa kanya."

"Mahirap bang hindi mainlove sa kanya?" nag-aalangan pa na tanong ko.

"O-"

Naputol ang sinasabi ni Kyril dahil sa pagsingit ni Vera na kagagaling lang sa may kusina.

"Madali lang hindi mainlove sa kahit na sino! Kaya kayo, wag kayong mag-aksaya ng panahon sa mga lalaki. Whether gwapo o hindi, mayaman o hindi pare-pareho lang manloloko ang mga 'yan!" sermon pa ni Vera.

"Nagsalita nanaman ang expert pagdating sa pag-ibig," sarkastik na sabi ni Kyril.

"I'm just stating the facts, Kyril. Walang good intention ang mga lalaking 'yan. Once you got trapped, you cannot escape, Andrea, forever."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi ni Vera.

Natatakot akong ma-trap kay Stephen. Natatakot akong hindi na makawala.

"Opo na, Lola. We will follow your words of wisdom," sabi pa ni Kyril.

Dahil busog pa naman ako ay iniwan ko na muna ang dalawa sa sala at umakyat na ako sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama.

What a first day of school!

Naisipan kong magbukas ng facebook account ko at halos sumabog ang notification ko dahil sa dami ng friend request.

Biglang may nagpop up na message.

Stephen Montreal: Accept me, baby.

Kumalabog naman ang dibdib ko.

Biglang tumunog ang phone ko.

Stephen Montreal is calling

Lalo naman akong kinabahan at dahil sa pagkataranta ko imbis na reject ay sa accept ko na swipe.

"Hey, baby!" malambing na sabi niya. Naramdaman ko naman ang pag-init ng mga pisngi ko.

"Bakit ka napatawag?" Sinisikap ko na hindi ako mautal.

"Namimiss kita."

Parang hinalukay naman ang sikmura ko.

"Open your damn camera, I want to see you."

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon