Chapter 40

433 12 2
                                    

Four months na ang tyan ko pero hindi mo pa rin mahahalata ang baby bump ko. At ngayon ay nag-eempake kami ng mga gamit namin dahil bukas na ang flight namin papuntang America.

"Ayoko naman talagang sumama. Baka mamaya doon malaman ni Stephen ang kalagayan ko," kinakabahan na sabi ko.

"Ano ka ba, Ands? Hindi naman halata 'yong baby bump mo. Hindi niya malalaman 'yon," pag-aasured sa akin ni Jade.

After 5 months of break nag-comeback na ang banda nila Stephen and our friends want to watch it since mukhang wala atang tour dito sa bansa. Sina Vera at Sage ay hindi pa nakakanood ng live concert ni Stephen. At isa pa travel na rin daw naming magkakaibigan 'yon kaya hindi naman ako makatanggi.

"Okay na ba ang lahat?" tanong ni Brixel. Dito kami natulog lahat sa bahay ni Vera. Just like the old times.

"Andrea, kaya mo ba magtravel sa kalagayan mo?" nag-aalalang tanong ni Alezander.

Tumango ako. "Oo naman. Hindi naman maselan ang pagbubuntis ko."

Dalawa kami ni Kyril na laging inaalala at inaalagaan niya para tuloy siyang may dalawang asawang buntis.

"Si Kyril tignan mo naman nakapahyper pa rin." Masaya naman siyang ininguso ang tawa nang tawa na si Kyril.

Natawa naman ako. "Walang epekto sa kanya ang pagbubuntis."

"Sinabi mo pa!" Naiiling na lang si Zander.

Sa L.A ang unang tour ng bandang The Preys kaya hindi na namin kailangan magbook ng Hotel dahil may mansion naman ang mga Wainwright dito.

"This house is bigger than in our house in the Philippines!" namamangha pa na sabi ni Zerene.

"It's your house too, baby," sabi ko sabay ngiti.

"Really, Tita Andrea? We're that rich?" inosenteng tanong niya.

Ngumisi naman ako. "Yes, baby. Kaya pwede mong ipabili lahat ng toys doon sa toy store na pinuntahan natin kay Daddy."

Nagtatalon naman sa tuwa si Zerene. At nakipaghigh five pa sa akin tsaka tumakbo papunta sa Daddy niya.

"Daddy!"

"Yes, baby?" nakangiting tanong ni Sage.

"Daddy, I want all the toys in the toy store in Montreal Mall. Can you buy the whole store?"

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Zerene. Maging si Sage ay natawa rin.

"Of course baby!"

Napangiti naman ako lalo. "Ganyan rin siguro na Daddy si Stephen."

"Ano ka ba naman, Sage! Wag mo nga masyadong ispoiled 'to si Zerene. Zerene, anong sabi ni Mommy sa'yo?"

Ngumuso naman si Zerene. "Sabi kasi ni Tita Andrea pwede ko daw ipabili doon lahat ng toys kay Daddy, e."

Nagpeace sign naman ako kay Vera tsaka humagalpak sa tawa.

Tonight is the night.

Papunta na kami sa arena kung saan gaganapin ang concert nila Stephen at sobra akong nanlalamig.

"Can I do this?" kinakabahan na tanong ko kay Ate Kim.

"Nakadress ako hindi niya kaya mahalata na maternity dress 'to?"

"Relax ka lang, Ands. Ano bang alam nun sa maternity dress. Manonood lang tayo. Wag ka na kabahan jan."

Nakapasok na kami at nasa VIP section kami ang sabi nila ay hindi raw alam ni Stephen na nandito kaming lahat at si Sage ang sumagot sa concert ticket naming lahat. Gusto rin daw kasi nilang isurprise si Stephen.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon