Chapter 24

243 8 0
                                    

"Ano bang ibig sabihin ng mga sinasabi mo?" Nagcrack ang boses ko.

He took a sigh. "Kahit naman sabihin ko wala rin namang magbabago. We're paying the price now." Malungkot pa siyang ngumiti tsaka ako iniwan dito.

"Stephen!"

Hindi na siya lumingon pa sa akin.

We're paying the price now?

Gulong-gulo ako at gusto ko ng mga kasagutan pero paano? E, ayaw na ako ulit kausapin ni Stephen. Ilang oras siyang nagkulong sa kwarto niya tapos ay bumaba siya para manood ng t.v.

Sinubukan kong magpapansin pero bumalik nanaman siya sa parang yelong Stephen, matigas at malamig. Nakasalampak ako ngayon dito sa sofa. Wala si Stephen at nagmamadaling umalis kanina. Naramdaman ko na may nagvibrate sa kinauupuan ko.

"Phone 'to ni Stephen, ah.?"

Patuloy sa pagvibrate ang phone niya.

Sabrina is calling...

Huminga muna ko nang malalim bago ko sinagot.

"Hey by, where are you? Nandito na ko sa Montreal park-"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at pinatay ko na ang tawag. Nagmadali akong umakyat sa taas para magpalit ng damit.

Nagmadali akong magdrive papuntang Montreal park. Ipinark ko sa malayo ang kotse ko tsaka itinago ang mukha ko sa balabal na dala ko.

Ganito ba ang mga legal wife kapag hinuhuli nila ang mistress ng asawa nila?

Nagtago ako sa malaking puno hindi kalayuan sa kinaroroonan ni Stephen at Sabrina. Nakaupo sa may bench si Sabrina habang nakatayo sa harap niya si Stephen. Mukhang seryosong-seryoso sila sa pinag-uusapan nila.

Nakita ko kung paano nag-igting ang panga ni Stephen sa sinabi ni Sabrina. Biglang tumayo si Sabrina at akmang aalis nang hilahin siya ni Stephen at halikan.

Automatic na nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga nag-unahang luha ko.

And now they were kissing passionately.

Umalis ka na! Bakit nanonood ka pa?

Nagtago ako sa likod ng puno at napaupo pa ako dahil sa nanghihinang mga tuhod ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko kaya.

"Kinuhaan ko na sila ng picture para sa'yo."

Nag-angat ako ng tingin at tumambad sa akin si Steven hawak-hawak niya ang cellphone niya at nakatapat sa kinaroroonan ni Stephen.

"Anong ginagawa mo?"

"Kumukuha ng ebidensya. Go file a case." Lumebel siya sa akin.

Umiling ako. "Huwag na. This is a force marriage so what do you expect? Malamang mangbabae ang asawa mo dahil hindi ka naman niya mahal," mapait na sabi ko tsaka umalis.

Wala na akong pakialam kung makita nila ako. Mukha na rin naman talaga akong tanga sa mga mata nila tuwing magkasama sila habang magkayakap o naghahalikan o habang nasa kama sila at nagpapakasasa sa isa't-isa.

Totoo naman e, isa akong malaking tanga.

Dumerecho ako dito sa bahay ni Vera. Hindi na muna siguro ako uuwi sa bahay.

"Andrea, ano ka ba naman! Bakit mo hinahayaan na mangyari 'yan sa'yo? Asawa ka may karapatan ka! Marami kang pwedeng gawin, please huwag mo naman hayaan na babuyin ka nila. Na habang masaya sila at nagpapakasasa sa isa't-isa ikaw naman nagdurusa." Humagulhol sa pag-iyak si Kyril. "Nasasaktan ako para sa'yo, e."

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon