Chapter 28

241 8 1
                                    

Dahil wala akong dalang sasakyan ay nagbus ako pauwi sa Monte Vista. Nagulat pa sina Daddy sa biglaang pag-uwi ko. Sasalubungin nila ako ng yakap nang mag-umpisang tumulo ang mga luha ko.

"I'm sorry, Mom, Dad!" Humagulhol ako.

"What's happening, hija?" nag-aalalang tanong ni Daddy.

"Especially to you, Mom. I'm sorry for what I've done. Sorry for ruining our family."

Naluluha akong hinawakan ni Mommy sa dalawang kamay.

"Hija, bakit ka nagsosorry?"

"Mom, Dad. I remembered something from my past. Ipinahamak ko si Sabrina. I've ruined our family."

Naramdaman ko ang panlalamig ng mga kamay ni Mommy.

"Hija." Wala ring masabi si Daddy. Pareho silang shock.

"Nararamdaman ko na may gusto kayong itagong ala -ala sa akin. Ito ba 'yon, Dad? Mom? You shouldn't hide it from me. Gusto kong pagbayaran ang mga nagawa ko."

"Hija, it's okay now. Matagal na nangyari 'yon," sabi pa ni Daddy.

"No, Dad! It will never be okay. I'm willing to do what Sabrina wants. I'll tell everybody what have I've done."

"No!" sigaw ni Daddy.

Umiling l-iling si mommy. "Magiging malaking bangungot sa'yo 'yan, Andrea. Iyong reputation mo. Babagsak ka ngayon pa na gumagawa ka na ng sarili mong pangalan. Nasasaktan ako sa nangyari kay Sabrina. But please, ayoko namang masira ulit ang buhay ng isa ko pang anak. We can fix this without other people knowing it."

Lalo akong napahagulhol. "You're so kind, Mom. I'm so guilty for thinking that you were not a good mother. I'm sorry, Mom, Dad kung nasasaktan kayo sa naging desisyon ko but this will make my heart happy. This is the only way para mapagbayaran ko ang kasalanan ko. Kung tutuusin mabait pa si Sabrina na 'yon lang ang gusto niyang mangyari-"

"Why don't you just runaway from this, Andriella? Runaway with Stephen. That man really loves you."

Malungkot akong ngumiti. "I know, Dad. I know. Mahal namin ang isa't-isa but in this life we are not meant for each other."

Pumasok ako sa loob at nagkulong sa kwarto.

Masyadong marami na ang nasaktan dahil sa pagmamahalan natin, Stephen, and it's time to say goodbye for us.

Isang linggo na ang nakakalipas. Inasikaso ko lahat ng mga kailangan asikasuhin sa office.

"Ms. A, magsasara na ba 'tong AFM?" nag-aalalang tanong ni Queencel.

Umiling ako. "Hindi, Queen. Kaya lang panigurado after ng gagawin ko maraming mga investors ang magpupull out sa mga investments nila. May mga client na hindi na tatangkilikin ang produkto ng AFM. Sino bang susuporta sa isang kriminal?"

"Ms. A!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Queencel.

"You are not a criminal. At kahit ano pa man ang nagawa mo mataas pa rin ang tingin ko sa'yo and I still want to be like you. Be brave, Ms. Andrea, marami kaming nagmamahal at sumusoporta sa'yo."

Malungkot akong napangiti. Masasabi mo pa kaya 'yan, Queencel kapag nalaman mo kung ano ang nagawa ko noon? Walang nakakaalam sa eksatong nagawa ko pero alam nilang nagpatawag ako ng press conference para bukas at sinabi kong malaki ang epekto nito sa kumpanya.

Nakatanggap ako ng text mula kay Steven. Gusto niya kaming magkita sa Montreal park at wala akong pag-aatubiling pumayag.

"Steven," kinakabahan na tawag ko sa kanya.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon