Chapter 27

267 9 1
                                    

Dinala ako ni Stephen sa hotel kung saan siya naka-check in.

"You better tell nothing but the truth."

Malungkot siyang tumango. Pinaupo niya ako sa king size bed na naroon tsaka siya tumalikod sa akin.

"Sabrina was a rape victim." He took a sigh. "Because of you."

Lumipad ang kamay ko sa bibig ko at nanlaki ang mga mata ko.

"No!" Nanginginig ang boses ko.

"Your sister was so obsessed with me. Pero ikaw ang mahal ko."

Nasapo ko ang ulo ko.

Sa garden namin kung saan may maliit na puno ay nakatago kami ni Stephen.

"I love you too, Ella, but you're so young. Hindi pa papayag ang parents mo lalo na ang daddy mo kapag may namagitan sa ating dalawa. Pwede ka nilang ilayo sa akin. And I can't afford it." He reached for my hands. "I'll wait until you're 18, baby."

"Pero si Ate Sab. She likes you very much, ginagawa niya ang lahat para magustuhan siya ng parents mo."

"But I don't like her. Ikaw ang gusto ko, Ella, just trust me okay?"

Tumango ako. "I will, Ashler."

Humarap sa akin si Stephen. Kitang-kita ang sakit sa mga mata niya.

"Nagustuhan ng mga magulang ko si Sabrina. They like everything about her. Nagkaroon sila ng kasunduan to merge our company and yours. Ipinagksundo nila kaming dalawa. Nang malaman mo ay sobra kang nagalit."

Napapikit ako nang muling sumakit ang ulo.

"Anong meron Mommy? Bakit ang daming pagkain?" Kuryosong-tanong ko nang makita ang mala-piyestang mesa.

Lumawak ang pagkakangiti niya. "Dadating ang mga Montreal."

Ang bata kong puso ay nagtatalon dahil sa tuwa. Ngunit agad ding nawala ang tuwa at excitement sa idinugtong ng Mommy ko.

"Mamanhikan sila. Naipagkasundo namin si Ate mo at ang bunsong anak ng mga Montreal," tila kinikilig pa na sabi ni Mommy.

"What? Hindi ba masyado pa silang bata?" Hindi ko napigilan ang galit na nararamdaman ko.

"Hija, makakapaghintay naman hanggang sa nasa tamang edad na sila pareho." Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi ni Mommy. Naiwan akong nakakuyom ang mga kamay.

Pinaglalaruan ko lang ang pagkain ko dahil wala akong gana.

"Hija," tawag sa akin ni Daddy nang mapansin niya ang ginagawa ko.

"I'm sorry. Excuse lang po. I'm not feeling well," pagpapalusot ko tsaka nagmadaling umalis pero bago pa ko makaakyat sa hagdan ay may humila sa akin.

"Ashler." Tumulo ang mga luha ko.

"Hush, princess. I'm not gonna marry her."

Niyakap ko siya. "Oo bata pa ako pero totoong pagmamahal ang nararamdaman ko para sa'yo. Let's be in a secret relationshi, Ashler. No one has to know."

Tumango siya at hinalikan ako sa noo.

"Hindi siya magtatagumpay sa mga gusto niya, Ashler. Gagawin ko ang lahat para masira siya sa parents mo. Maging cooperative ka lang, Ashler."

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon