Chapter 11

215 10 0
                                    

"Saan ba tayo pupunta?"

Paggising ko nasa baba na si Stephen. Bandang alas siete palang nang umaga. Sabado ngayon kaya hindi ko siya inaasahan sa ganoon kaaga.

"Basta." He smiled.

Ayan nanaman siya sa mga pabasta-basta niya. Hindi ko tuloy alam kung tama ba 'tong suot ko. Nadala na ako magdress dahil nung huling nagdress ako para sa date namin ay 'yong nagpunta kami sa burol. To make safe, I wear a faded jeans and a mustard yellow spaghetti strap top with a pair of black boots. Itinali ko pa ang denim jacket ko sa bewang ko.

Pagbaba ko ulit ay tinignan ako ni Stephen mula ulo hanggang paa.

He smirked. "I'm afraid your outfit is not suit for the place."

Doon ko lang narealize na 'yong suot niya ay very beach vibe. Sky bule floral polo, white shorts and a pair of slipper.

"Kung sinabi mo kasi na sa beach pala tayo pupunta!" Napanguso pa ako tsaka padabog na umakyat pabalik sa kwarto ko.

My, God! Halos isang oras akong nagpapalit-palit ng susuotin ko kanina 'yon pala sa beach lang kami pupunta. Malay ko ba, diba? E, wala namang beach dito sa Montreal. So ibig sabihin dadayo pa kami sa ibang bayan?

Isang simpleng white beach dress at sa ilalim nito ay pares ng kulay yellow na two piece. Kinuha ko na ang rattan bag ko tsaka nagmadaling bumaba.

Nag-angat ng kilay sa akin si Stephen then he smiled. "Ang ganda mo."

Impit pang tumili si Briana. Naramdaman ko agad ang pag-init ng pisngi ko.

"Let's go?"

Tumango naman ako sa boyfriend ko. Gosh! Ang sarap naman sabihin ng paulit-ulit na boyfriend ko ang isang Stephen Montreal.

Hindi ako mapakali sa byahe dahil sa sobrang excitement ko. Kumunot ang mga kilay ko nang imbis na dumerecho ay sumuot siya sa isang makipot na daan papunta sa dead end.

"Hoy, Montreal! Ano nanaman bang trip mo?" singhal ko tsaka tumingin sa suot ko. "Game ako sa mga adventures mo pero sana naman pagsuotin mo ako ng appropriate na damit- ay jusko lord!" Halos lumundag palabas ang puso ko nang malakas na pumreno si Stephen.

Sa isang iglap ay nagtama ang mga labi namin. Bolta-boltaheng kuryente ang naramdaman ko sa sistema ko.

He chuckled. "Masyado kang maingay, prinsesa ko."

"Ts-tse!" nauutal pa na sabi ko kaya humagalpak siya sa tawa.

"Ayoko, Stephen! Ayoko!" matigas na sabi ko habang tinitignan ang bangin na nasa harap ko.

"Worth it kapag nakarating na tayo sa Celestina lake," pag-eencourage niya sa'kin.

"Worth it nga, e kung ikamamatay ko naman, diba? Ayoko 'di mo ako mapipilit. Dito lang ako."

He reached for my hand. "Please, baby." He pouted.

Walang hiyang Montreal 'to! Ginagamitan nanaman ako ng super powers niya. Pwes! Kung inaakala mo na madadaan mo ko sa pagganyan-ganyan mo ay 'di ka nagkakamali.

"Fine! Basta ikaw bahala sa akin, ah?"

Lumawak ang ngiti niya.

"I will keep you safe. Hold my hands, baby. I promise, I will never let you slip away."

I smiled at him.

I'm in love with this man so much that I can take any risk just to be with him.

Tama nga ang sinabi ni Stephen, worth it ang napakahirap na daan papunta dito. This place is so perfect.

"You like it?" Niyakap niya ako mula sa likuran.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon