Chapter 10

279 14 0
                                    

"Easy 25 thousand!" Kanina pa-paulit ulit na sinasabi ni Klea 'yan habang nasa likod namin siya ni Stephen at pabalik na kami sa classroom namin.

"Hindi ka talaga nauubusan ng pakulo, Montreal, e no?"

He chuckled. "Ako pa ba?"

Napailing naman ako.

"May dapat tayong pag-usapan mamaya." Biglang sumeryoso si Stephen nang nasa may classroom na kami.

"Tungkol saan?" nagtatakang tanong ko.

"Sabi ko mamaya," masungit na sabi niya. Hinalikan niya ako sa noo bago siya umalis.

Napanguso naman ako.

Ang sungit kainis!

Hindi mawala-wala sa isip ko ang kung ano ang pag-uusapan namin ni Stephen mamaya, masyado kasi siyang seryoso tapos biglang nagbago ang mood niya.

"Ands, thank you, ah?" Masayang sabi ni Klea habang ipinapaypay ang perang napanalunan niya sa pustahan. Napailing na lang ako.

Kahit kelan talaga baliw ang isang 'to.

Nang puntahan ako ni Stephen para maglunch ay seryosong-seryoso pa rin siya.

"May problema ba?" tanong ko nang nasa may cafeteria na kami.

Umangat naman ang sulok ng labi niya. "Tss. Tinawagan mo si Kuya kagabi?"

"Sinabi niya sa'yo?

He clenched his jaw. "I heard it!"

Nagulat ako sa pagtaas ng boses niya.

"Tumawag ako para tanungin kung nandoon ka ba sainyo 'cause I badly want to talk to you," pagpapaliwanag ko. Hindi pa rin naaalis ang inis niya.

"Really? Kaya ba nag-I love you ka sa kanya?"

"What? I didn't even say that to him!" depensa ko.

"Nag-I love you too siya sa'yo."

"Sigurado ka bang ako pa rin ang kausap niya? Kasi wala rin siyang sinabing ganun."

"He's really a shit." Hinawakan niya ang kamay ko. "Sigurado kang tumawag ka lang kasi hinahanap mo ko?"

Hindi ko na napigilan na hindi mapangiti. "Oo! Sure na sure. Seloso!"

Lumabi naman siya. "Damn it! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil doon at hindi rin ako nakapagconcentrate sa klase ko. Fuck that phone call!"

Natawa naman ako.

God! May mas igagwapo pa pala ang isang Stephen Ashler Montreal.

"Kahit anong mangyari hindi ka na uli tatawag sa kanya, okay?"

Tumango naman ako. "Basta wag mo na uuliting hindi magparamdam sa akin!"

"Fine!"

Ngumiti naman ako. "Hinding-hindi ko na siya tatawagan."

"Dapat lang. You're mine!" madiin na sabi niya.

I smiled widely. "I'm all yours."

"Good girl."

I chuckled.

Hindi pa rin nakakamove on ang mga kaklase ko sa nangyari kaninang umaga sa gymnasium, ang pakulo ni Stephen. Hanggang ngayon naririnig ko pa rin na pinag-uusapan nila 'to lalo na ng grupo nila Bianca.

"She's really lucky. One hell lucky girl! Imagine? Kinantahan siya ni Stephen, diba ayaw na ayaw na ni Stephen kumanta simula noong nabuwag 'yong band nila?"

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon