Chapter 8

223 12 0
                                    

Alas otso na nang gabi ako naihatid ni Stephen dito sa bahay. At ngayon nakatingin ako sa ceiling suot-suot pa rin ang ngiting kanina pa hindi mawala-wala.

Boyfriend ko na ba talaga ang isang Stephen Montreal? It feels surreal!

Sobra akong excited ngayon kaya napakaaga kong nagising. May pakanta-kanta pa ako habang nagtotoast ng loaf bread.

"Mukhang good na good ang morning, ah?" Tinapunan ako ni Kyril ng isang nakakalokong tingin.

"Well, good pa sa good." Humagikhik ako.

Kumunot naman ang noo niya.

"Kami na ni Stephen."

"Kayo na? As in may label?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Dahan-dahan naman akong tumango.

"Gosh! Paano nangyari? Ginayuma mo?"

Napanguso naman ako. "Grabe ka!"

"Joke lang. Hindi lang ako makapaniwala," sabi niya sabay halakhak.

Is it really unbelievable?

Silang lahat ay hindi makapaniwala sa inamin ko tungkol sa amin ni Stephen. Patapos na kaming magbreakfast ngayon pero hindi pa rin sila matigil sa pagtatanong ng kung totoo bang kami, as in kami na may label.

"Wag kang maooffend, ah? Oo maganda ka. Full package ika nga pero si Stephen Montreal papasok sa isang commitment? Talagang himala 'yon," sabi pa ni Ate Kim.

"Bahala nga kayo jan!"

Nagliligpit na kami ng pinagkainan nang may nagdoor bell.

"Ako na," pagpipresinta ni Briana. Baka daw kasi si Brixel na 'yon.

Naramdaman ko ang mahinang pagkurot sa akin ni Kyril.

Kumunot ang noo ko sa kanya. May ininguso siya at halos kagatin ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti.

"Sila nga." Rinig ko pang sabi ni Ate Kim.

"Good morning, baby." Humalik pa sa pisngi ko si Stephen tsaka inilahad ang bouquet na dala niya.

Gustong-gusto ko naman magtatalon dahil sa sobrang kilig na nararamdaman ko.

"Akin na muna si Andrea, ah?" sabi niya bago kunin ang gamit ko.

"E, sa'yo naman talaga 'yan." Humagikhik pa si Briana. Napailing na lang ako.

"Bukas wag ka na mag-abala pang magbreakfast. Gusto ko sabay tayo lagi," sabi niya nang makasakay kami sa Mustang niya.

"Okay," pagsang-ayon ko.

"At hindi pwedeng bread lang ang kakainin mo," madiin na sabi niya.

"But I don't eat heavy meal at breakfast-"

"From now on, you should be."

Napanguso naman ako.

Hindi kasi talaga ako sanay kumain ng heavy meal sa umaga.

"Stop pouting or else I will stop driving just to kiss you." Ngumisi pa siya.

"Shut up!" nahihiyang sabi ko. Humagalpak naman siya sa tawa.

"Mukhang meron ditong first time lang nagkaboyfriend, ah?"

"Ako? Of course not! You're not my first boyfriend, just to inform you."

Bigla naman siyang sumeryoso.

"Problema mo?"

"Seloso ako."

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon