Chapter 34

256 8 1
                                    

Lumipas ang mga buwan mula nang magkita kami ni Stephen at magkausap sa dati naming bahay.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Kyril.

Tumango naman. "Oo naman."

Kasalukuyan akong nasa Maynila ngayon at binisita ko si Kyril na ngayon ay naninirahan na rin dito.

Hindi siya sang-ayon sa sinagot ko. Kanina lang kasi ay napanood namin ang interview ni Stephen at kinumpirma niya ang relasyon nila ni Sabrina.

"'Yan naman talaga ang gusto kong mangyari," dagdag ko pa.

Tumango naman siya tsaka iniwan ako mag-isa dito sa sala.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.

Imbis na isipin nang isipin si Stephen ay inatupag ko na lang ang mga dapat kong asikasuhin kaya dito sa Maynila.

Matapos ang dalawang araw ay bumalik na rin ako sa Montreal.

Pagpasok ko sa office ay ang nag-aalalang si Queen ang sumalubong sa akin.

"Okay ka lang ba, Ms. A?"

Tumango naman ako. "Oo naman bakit naman hindi?"

"Syempre broken hearted ka. It's okay not to be fine, Ms. A. Sometimes all we need is to let our feelings be shown."

Umupo ako sa swivel chair ko.

"Yes I'm sad, but it doesn't mean that I'm not fine at all, Queen. I'm sad because up to this point I still love him but I'm fine that he's already moved on from me or he's trying to. Mas hindi ako magiging okay kapag hanggang ngayon ay nasasaktan ko pa rin siya. I'm fine because he's fine, Queencel."

Malungkot namang ngumiti si Queencel. "Wala ka na talagang gagawin para mabawi siya?"

"Para saan pa?"

Nagkibit-balikat lang si Queencel tsaka ibinaling ang atensyon sa mga folder na nasa table ko.

Katatapos lang ng meeting nang makatanggap ako ng message mula kay Steven.

From: Steven.

Andrea, can you go here in our house? I want to talk you.

Nagdalawang isip pa ako kung pupunta ko sa mansion ng mga Montreal.

Nang nasa tapat na ako ng mansion nila ay ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago pindutin ang door bell.

Iginiya ako ng kasambahay ng mga Montreal papasok sa loob. Nadatnan ko ang mommy nila Stephen sa sofa at tila hinihintay ang pagdating ko.

"Good afternoon, ma'am!" pagbati ko.

Tumayo naman siya. "Kumusta ka na, hija?" kalmadong tanong niya.

"Maayos naman po."

"He's waiting for you."

Patungkol niya kay Steven. Tumango naman ako at akmang aakyat na nang muli niya akong tawagin.

"Please give whatever he ask from you."

Tumango naman ako.

Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto ni Steven. Nakahiga siya sa kama niya. May dextrose sa tabi niya and he's very thin. He looks so ill.

If you're wondering why after all those years ay ngayon lang lumubha ang condition ni Steven ay dahil nakaranas siya ng long-term effects of brain injury. Hindi nagamot ng maayos 'cause he keep it to himself. At ngayon sobrang dami na ng komplikasyon. His fighting this battle alone.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon