Chapter 36

298 11 3
                                    

Maraming fans ng The Preys ang nabroken-hearted sa pag-amin ni Stephen na kasal na siya, at isa na ako doon. Ang sabi niya hindi naman daw naging sikreto pero baka hindi sikreto sa mga malalapit na tao sa kanila? Pero hindi rin alam nila Brixel or hindi na lang nila pinaalam 'cause they were our common friends.

And in the same interview he announced that their band will be having a hiatus. I remember how he said that he want to focus with his own life and his own family. He was really happy. You can see it in his eyes.

Hindi kaya buntis si Sabrina?

Ang sakit naman sobra nitong naiisip ko.

Nang malaman kong kasal na sila ay gabi-gabi akong umiiyak at hanggang ngayon ganoon pa rin.

Last week he was spotted with Sabrina in a beach in Miami and I guess that was what he means by focusing on his own family.

Magkasama kami ngayon ni Ate Kim nang makatanggap kami ng tawag mula kay Sage at sabihing he's planning a surprise proposal again to Vera. And I'm so happy about that!

Makukumpleto kami at pakiramdam ko babalik kami sa nakaraan na ang tanging problema ko lang ay ang baba ng alcohol tolerance ko at hindi ako makasabay sa kanila.

Nagtatalon kami sa tuwa ni Ate Kim. Tumawag si Ate Kim kay Kyril habang ako naman ay tumawag kay Queen para ipaalam ang saglit na pagkawala ko.

Dito na ako natulog sa bahay ni Vera kagabi dahil ngayon ang alis namin papuntang airport. May bumusina at nasa tapat ng bahay ay may nakaparada na puting van.

"Oh, My God!" sigaw ko nang bumukas ang van at lumabas si Briana. Agad ko siyang niyakap.

"I missed you so much, Bri!" naluluhang sabi ko.

Naramdaman ko naman higpit ng yakap niya. "Namiss din kita ng sobra, Andriella!"

Nang magbitiw kami ng yakap ay yumakap din ako kina Sage, Shin at Brixel.

"What's up, Zander?" Nakipaghigh five pa ako kay Alezander.

"How are you, Andrea? Balita ko ang ganda ng takbo ng clothing line mo, ah?"

"Siyempre naman! Ako pa ba, Attorney?"

Nagtawanan naman kami.

"Sa wakas naman, Sage!" sabi ni Ate Kim.

Nakapasok na kami sa van at paalis na.

"Finally talaga, Kim!" Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Sage.

"Hindi umuwi si Kyril?" tanong ni Brixel.

Umiling ako. "Derecho na raw siya sa airport. Madaming trabaho 'yon, sobrang busy na tao."

"O, bakit natetense ka jan, Attorney?" pang-aasar ni Shin kay Zander.

"Gago!" singhal ni Zander.

Nagtawanan naman kami.

"E, si Stephen ba?" Sumulyap pa sa akin si Bri.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Briana!" sabi ko.

Nagtawanan ulit kami.

Nakakamiss 'yong ganitong bonding namin.

Nang makarating kami sa airport ay malayo palang alam na alam ko na kung sino 'yong lalaking nakatalikod sa amin.

My Stephen Ashler Montreal

Sa'yo pa rin ako kahit hindi ka na sa akin.

Isa-isa silang yumakap kay Stephen at kahit na pakiramdam ko ay hindi ko kaya ay naglakas loob pa rin ako.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon