Chapter 7

244 16 0
                                    

Saturday night at heto ako ngayon, nakaharap sa vanity mirror ko habang naglalagay ng light make up. Nagkayayaan kasi na magkaclubbing kami ngayon sa pangunguna ni Briana na siyang pinakabata sa amin. Naeexcite at the same time ay kinakabahan ako dahil first time ko lang pupunta sa club pero hindi ko first time iinom. Nakainom na ako way back my 4th year high school at ang masasabi ko lang ay hindi na ako nagtangkang umulit pa.

Kulay navy blue na velvet dress ang sinuot ko na tinernuhan ko ng kulay itim na pumps. Nang makuntento na ako sa itsura ko ay kinuha ko na ang itim na clutch ko tsaka bumaba.

"Grabe! Parang party naman 'yong pupuntahan natin," sabi ni Ate Kim sabay tawa kaya natawa na lang din ako.

Nang bumaba si Kyril ay agad din kaming umalis.

Sa sasakyan palang ay sobrang ingay na namin at para kaming nakawala sa hawla. Huminto kami sa may Sentro sa tapat ng isang establishmento na may nakalagay na.

The Paradise

Talaga bang para kang nasa paraiso kapag pumasok ka jan?

Agad akong hinatak ni Briana papunta sa dance floor.

"Teka lang!" Natatawa pa ako nang muntik na akong madapa dahil sa paghatak ni Briana.

Tuwang-tuwa ako habang nagsasayaw kaming lima.

This is really great!

"O, diba? Sabi sainyo, e. Sobrang saya dito!" sabi pa ni Briana. Kasalukuyan kaming umiinom ngayon.

Hindi ko pa nauubos ang vodka sa baso ko pero nahihilo na ako at nagiging doble na ang paningin ko. That's why I really hate drinking. Napakahina ng tolerance ko sa alcohol.

Believe ako sa mga kasama ko dahil kanina pa sila nagsimulang uminom habang ako ay pajuice-juice lang. Dahil kung sakaling maaga rin akong uminom malamang tulog na ako ngayon at hindi na naenjoy ang pagsayaw sa dance floor ng ilang ulit.

"Ano lasing ka na?" pangangatyaw pa ni Kyril.

"No, Im not!" depensa ko.

"Weh? O sige nga! Ilan 'to?" Itinapat pa ni Briana ang daliri niya sa akin.

"Apat!" cofident na sabi ko.

Humagalpak naman siya pagtawa. "Hindi pa nga! Painumin pa 'yan!"

Halos mamura ko naman si Briana nang magsalin nanaman ng vodka sa baso ko.

"Hindi ako lasinggera katulad mo!" pagmamaktol ko pa kay Briana.

Nagtawanan naman sila at wala akong nagawa kung hindi ubusin ang panibagong baso ng vodka.

Nagreklamo pa ako nang bigla akong hilahin ni Vera patayo.

"Tara sayaw ulit!"

Napamura naman ako nang maramdaman na nasusuka ako kaya agad akong tumakbo papunta sa restroom pero bago pa ako makarating ay may humarang na sa harap ko.

"Stephen, tabi!"

Hindi siya natinag. Hindi ko man gusto ay wala akong nagawa.

I vomited in front of him.

Nakaramdam din ako ng pagkahilo at bigla ay nagdilim ang paningin ko.

Nagising ako sa isang malamig na kwarto. Kinusot ko ang mga mata ko.

White and black room?

As far as I know, kulay pink ang kwarto ko at hindi ganito kalaki.

So nasaan ako?

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon