Chapter 5

336 14 0
                                    

Lutang ako hanggang sa matapos ang klase ko. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Steven.

"Andrea, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Klea.

Bumuntong-hininga naman ako.

"Oo, medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko," sagot ko. Kinuha ko na 'yong bag ko tsaka lumabas.

Hindi pa kami nakakalayo ni Klea sa classroom namin nang mamataan ko si Stephen na papunta sa kinaroroonan ko. Biglang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha sa bulsa ko.

From: Unknown
I'm watching you. One wrong move. Magkakagulo sa kinaroroonan niyo.

Kumalabog ang dibdib ko. Lumingon ako sa palagid at nakita ko si Steven. Kinakabahan ako kaya yumuko ako tsaka binilisan ang lakad ko. Lalampasan ko na sana si Stephen nang hilahin niya ang braso ko.

Nakita ko pa ang pagtayo ni Steven mula sa kinauupuan niya.

"Bitawan mo 'ko!" malalas na sabi ko para marinig ni Steven.

"Magkita tayo sa labas ng bahay na tinitirhan ko," pabulong pa na dagdag ko kay Stephen.

Lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko tsaka ako hinila.

"Hindi ako natatakot sa'yo, Kuya!" Napakagat ako sa labi ko nang dalhin ako ni Stephen sa harap ni Steven.

"Bitawan mo 'ko!" Pilit ko pang kinakalas ang pagkakahawak sakin ni Stephen.

Humalakhak si Steven na siyang nagpatindig sa balahibo ko.

"Bitawan mo nga raw siya." Lalapit na sana sa akin si Steven nang itulak siya ni Stephen.

"Magkamatayan na tayo pero hinding-hindi ko ibibigay sa'yo ang akin," sabi ni Stephen sabay ngisi.

Napatili pa ako nang biglang siya matumba dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Steven.

"Steven! Tama na!" Humarang ako sa harap ni Stephen ngunit tinulak niya ako at doon nagsimula na silang magsuntunkan ni Steven.

"Stop it! Please!" Naiiyak na ako.

Puro dugo na at wala man lang umaawat sa kanila. Wala bang pakialam ang mga studyante kung may mamatay man na isa sa kanila?

"Tulungan niyo ako sa pag-awat!" pakikiusap ko pa sa mga lalaking dumaan pero umiling lang sila.

"Ayaw namin masira ang buhay namin."

"Tama na! Tama na!" Napahagulhol ako dahil hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Ayaw nilang magpaawat at parang gusto talaga nilang magpatayan

"Please tumigil na kayo!" Lalong lumakas ang pag-iyak ko.

Kasalanan ko 'to.

Biglang may yumakap sa akin at isinubsob ako sa dibdib niya.

"Hush now, baby." Lalo akong naiyak nang marinig ang boses ni Stephen.

"Andrea, sample palang 'to. You better think smart," sabi pa ni Steven tsaka siya umalis.

Pakiramdam ko ay nanlalambot ang mga tuhod ko.

"Tumahan ka na, Andrea." Lalong humigpit ang yakap sa akin ni Stephen. Pilit akong kumawala tsaka siya hinila papunta sa parking lot.

"Kailangan mong magamot. You're bleeding," sabi ko nang makapasok kami sa kotse ko.

Mabuti na lang at may first aid kit ako sa sasakyan ko. Habang ginagamot ko ang sugat ni Stephen sa taas ng labi niya at sa gilid ng kaliwang mata niya ay hinawakan niya ang pisngi ko.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon