Chapter 33

266 9 0
                                    

Tulad nga ng sinabi ni Stephen hindi na siya nagstay muna dito sa Pilipinas dahil may concert naman sila sa Australia.

Naka-vacation leave muna ko ng tatlong araw dahil naisip kong umuwi sa amin. Matagal-tagal na rin kasi akong hindi nakakadalaw sa amin.

Excited ako nang makapasok ako sa loob ng bahay namin. Miss na miss ko na rin kasi si Daddy at si Mommy pero nawala ang excitement ko nang makita kung sino ang kausap ni Mommy sa may sala.

"Sabrina?" gulat na tanong ko.

"Oh My! Andrea! Saktong-sakto ang pagbisita mo. Bumisita rin ang Atw mo."

Kitang kita-ko ang saya sa mga mata ni mommy. Medyo napangiwi pa ko nang marinig ang salitang ate.

Sobrang awkward.

"Nakabalik ka na pala."

She smiled. "Yes. Pinasama ako rito ni Ashler."

Parang may mabigat na dumagan sa dibdib ko pero hindi ko na lang iyon pinansin.

"Mom, si Daddy?"

"Nasa Hawaii for business trip."

Nagtaka naman ako nang makitang masaya pa rin si Mommy kahit wala si Daddy. Lagi kasi silang magkasama sa mga trips, vacation man o business at dahil doon hindi na sanay si Mommy na naiiwan mag-isa.

"Hindi ka sumama, Mom?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi na, anak. Ininvite ko na lang si Sab dito." Parang batang binigyan pa ng lollipop si Mommy.

Tumango naman ako. "Sige po. Akyat muna ko."

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama.

"Dapat pala hindi na muna ako umuwi. Ang awkward na magkasama kami ni Sabrina sa iisang bubong." Napabuntong-hininga pa ako.

Nagtagal pa ako sa kwarto ko hanggang sa katukin ako ni Mommy para sabihing handa na ang meryenda.

Kahit ayoko ay bumaba na lang ako. Ayaw ko namang sirain ang magandang mood ng mommy ko. Nadatnan ko sila ni Sabrina na masayang nagkukwentuhan sa dining room.

"Okay lang naman ako doon, Mom. Kahit busy si Ash ay naaalagaan pa rin naman niya ako."

Itinuon ko ang mga mata ko sa cake na binake ni Mommy.

"Mabuti naman kung ganoon, hija." Mukhang relieve na relieve si Mommy sa narinig.

"At tsaka dumalaw doon ang parents ni Ash and they were happy to see us together again."

Pasimple kong nakagat ang ibabang labi ko. Gusto kong tumakbo para hindi na marinig ang sinasabi niya pero ayaw ko namang magmukha akong kaawa-awa.

Sumulyap ako kay Mommy na giliw na giliw sa mga kuwento ni Sabrina. Hindi mawala-wala ang mga ngiti sa labi niya at maging ang mga mata niya ay ngumingiti rin.

Nakaramdam ako ng inggit.

Sa ala-ala na mga natatandaan ko ni minsan ay hindi ko nakitaan ng ganyang excitement si Mommy. Pagdating sa akin palaging gusto niyang marinig ay umaakto ako ng tama at hindi gumagawa ng mga kalokohan. Never niya akong pinagkwento ng tungkol sa ibang bagay maliban sa pag-aaral at ang mga activities na sinasalihan ko sa school.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon