Chapter 14

237 9 0
                                    

Hinila ako ni Stephen palabas ng coffee shop. Pilit ko namang kinakalas ang pagkakahawak niya sa akin dahil tila nakukuryente ako ngayong nakalapat ang kamay niya sa akin.

"Let go of me!" Pinipilit kong kumawala pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

"Ouch!" daing ko pero hindi niya ako pinansin.

"Ano bang problema mo?" muling singhal ko.

He clenched his jaw. "Stop seeing my brother."

"And who do you think you are? You have no say if I want to see him or date him or even fuck him-"

"Shut up!" Nagpupuyos sa galit si Stephen. "You shut up or else I'll kill him." Bigla akong kinabahan sa nakikita kong Stephen ngayon. "I'll kill for you, Andrea."

Nag-unahan ang mga luha ko sa pagtulo at isang malakas na sampal ang natamo ni Stephen sa akin.

"You will kill for me? Wow!" I said sarcastically.

"You'll kill for me but the truth is I'm the one you almost killed, Stephen. Halos ikamatay ko ang sakit na ibinigay mo sa akin and now magpapakita ka sa'kin na parang wala lang. You know what is my biggest regret? It was choosing you over your brother. Iyong minahal kita kahit walang kamahal mahal sa'yo! And please don't ever show your face to me again, please lang."

Agad kong tinungo ang parking lot. Ni hindi tumigil ang mga luha ko sa pagtulo. Para akong sinasaksak nang paulit-ulit ngayon.

Tangina, Stephen! Hindi pa man ako tuluyang nabubuo ay dinudurog mo nanaman ako.

Nang makauwi ako sa bahay ay ginugol ko ang oras ko sa pagguhit ng mga gowns kahit na sa limang design na nagawa ko ay puro sa basurahan ang punta.

Can you please stop thinking about that asshole, Andrea? Maawa ka naman sa sarili mo.

"Ayoko na!" Muli ko nanamang ginusot ang pang-anim na sanang design ko at ishinoot sa basurahan. Bwiset!

Nagsuot ako ng jacket tsaka lumabas sa kwarto ko.

"Saan punta mo?" Palabas na ako nang tawagin ako ni Kyril.

"Iinom lang."

Bumuntong hininga siya tsaka ngumiti "Tara."

"Sure ka?" Ang alam ko kasi ay pagod siya dahil sa buong araw ang shoot niya ngayon.

"Kailangan ko rin, e."

Napangiti naman ako.

"Magaganda naman tayo pero bakit nasasaktan pa tayo nang ganito?" sigaw ni Kyril.

We're here at my favorite place, sa dulo ng Monte Vista. Bumili lang kami sa nadaanang convenient store ng mga alak.

"Nagmamahal kasi tayo ng maling tao." I took a sigh.

"Mga maling tao pero mga gwapo."

Napailing na lang ako sa sinabi ni Kyril. Kahit kelan talaga 'tong babaeng 'to.

"Andrea, wake up! Hindi tayo makakauwi, hindi pa ko gaanong marunong magdrive." Naririnig ko ang sinasabi ni Kyril pero ayaw dumilat ng mga mata ko.

At nang magising ako ay nasa byahe na kami pabalik sa Montreal at si Stephen ang nagmamaneho ng sasakyan ko.

For real?

Nilingon ko si Kyril at nagpeace sign siya sa akin. Bigla ring nagvibrate ang phone ko.

From: Kyril
Sorry. Ayaw mo kasing gumising, e. I have no choice but to call him. At bakit siya? Siya 'yong unang-una sa contacts mo e.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon