Chapter 4

339 16 0
                                    

Nang umalis na si Stephen ay bumalik na ako sa classroom ko.  Habang naglalakad ako sa hallway ay center of attraction ako sa mga studyante. Napakamot pa ako sa ulo ko.

Late ako sa klase ko kaya naman pagkatapos ng klase ay pinapunta ako ni Mrs. Vasquez sa office niya.

"Miss Fontallejo, mas mabuti kung iiwas ka kay Stephen Montreal. Hindi siya makakabuti sa'yo. Tulad ngayon nalate ka dahil isinama ka niya."

"Opo, ma'am. Sorry po."

Kailangan ko na talagang iwasan ang isang 'yon.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit ba kasi magkasama kayo ng Kuya ni Stephen?" pang-uusisa pa sa'kin ni Klea.

"Basta, Klea! Mahabang kwento. Nakakainis naman kasi si Stephen! Umaasta pa siyang big deal sa kanya 'yon, e wala naman talagang something sa amin, ah?" sabi ko pa habang inaayos ang gamit ko.

"That's what you called ego, Andrea. Malamang ayaw niyang matapakan ang ego niya. Kahit no serious attachment ang meron kayo halos ibroadcast pa rin niya na kanya ka, so diba parang nakakasakit naman ng ego na makita ang pag-aari mo na kasama ng iba and the worst is mortal na kaaway mo pa." Umiling-iling pa na si Klea.

"Hindi naman niya ako pag-aari. Bahala siya jan!"

Naghiwalay na kami ni Klea. Habang papasok ako sa loob ng parking lot ay hindi mawala-wala sa isip ko 'yong eksena kanina. Akala ko ay magsusuntukan na 'yong dalawa. Pero in fairness ang haba ng hair ko kanina.

Natawa naman ako sa naisip ko.

Sumakay na ako sa Odyssey ko. Namiss ko ang baby ko na ito. Papaandarin ko na sana nang maramdaman kong parang may mali. Nagmadali akong lumabas sa kotse at nakita ko na butas ang isang gulong.

"What the hell?" Napahilamos pa ako sa mukha ko dahil sa frustration. "Sinong may gawa nito?

"Is there any problem here?"

Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Steven na nakatayo sa likod ko.

"May nantrip sa kotse ko, e. Binutas 'yong gulong," inis na sabi ko.

"Tatawag na lang ako ng mekaniko para ipaayos 'yong kotse mo pero sa ngayon hayaan mong ihatid muna kita. Bukas okay na ulit ang kotse mo."

"Nakakahiya nama, Steven," nahihiyang sabi ko.

Ngumiti naman siya sa akin. "Wag ka na mahiya. Let's go?"

Tumango naman ako sa kanya. Sa hindi kalayuan ay nakapark ang Toyota Camry niya.

"Grabe talaga 'yong nantrip sa kotse ko! Kapag nalaman ko kung sino siya ay titirisin ko talaga siya," sabi ko pa nang nasa byahe na kami.

Humagalpak naman sa tawa si Steven. Actually, kanina niya pa ako tinatawanan.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hoy! Kanina ka pa tawa nang tawa jan! Siguro ikaw ang bumutas sa gulong ng kotse ko?"

Sinubukan naman niya na pigilin ang tawa niya.

"Wag kang mamintang jan! Natatawa lang talaga ako sa'yo." Muli nanaman siyang humagalpak sa tawa.

Magkapatid nga sila ni Stephen. Pareho silang baliw.

Inihinto ni Steven ang kotse niya sa harap ng tinitirahan ko.

"Thank you ulit, Steven!" pagpapasalamat ko pa. Bumaba si Steven para pagbuksan ako ng pinto.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong niyakap.

"He's here," bulong niya pa sa'kin.

Kumunot ang noo ko pero nang bumitaw siya sa pagkakayakap ay naintindihan ko ang sinabi niya. Nandito si Stephen at kasalukuyang nakasandal sa unahan ng Mustang niya habang nakaigting ang mga panga.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon