Chapter 30

270 9 0
                                    

Kinabukasan ay ako ang huling nagising sa mga girls. Mamaya pa raw kami pupunta sa private resort nila Shin kaya nagpasya muna kami na ienjoy muna ang beach dito.

Paglabas ko sa hotel ay sinalubong ako ng malakas at sariwang hangin.

"Ands!" Kumaway sa akin si Bri.

Ngiting-ngiti naman akong nagpunta sa kanila.

"Ang fresh mo, ah. May nangyari ba na hindi namin alam?" nanunuksong tanong ni Bri.

"Wala." depensa ko. "Napasarap lang ang tulog ko."

Halatang hindi sila naniniwala sa sinabi ko. Napailing na lang ako.

Nagyaya si Briana na magsun bathing kami kahit wala pa naman masayadong araw, pinagtig-isa-isahan namin ang limang sun lounger na naroon.

"Gusto ko talaga magpa-tan." tuwang-tuwa na sabi ni Jade habang nagpapahid ng tanning oil.

Kararating niya lang kaninang umaga. Hindi siya agad nakasama kahapon dahil may inasikaso pa raw siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtatawanan nang mabaling ang mga mata ko kay Stephen na nakatayo sa hindi kalayuan at may hawak na surfboard.

"What a body," sabi ni Jade.

"Hoy, Jadey! May asawa na 'yan. At imposibleng makalimutan mo 'yon kasi nasa tabi mo lang ang asawa niya," sabi ni Ate Kim sabay halakhak.

Nagtawanan naman kami.

Hindi mawala-wala ang mga mata ko kay Stephen na ngayon ay kunot noong nakikipag-usap sa surf instructor.

What a body talaga.

His perfect 6 pack abs. His perfect jaw line na para kang masusugatan kapag hinawakan mo, his disheveled brown hair na lalong nagpa-hot sa kanya, his cut eyebrow, his piercing. Oh, My God! Who wouldn't drool over that man? Fuck it!

"Itong si Andrea kung maglaway parang hindi niya asawa," pang-aalaska ni Kyril.

"Wag ka na kasing maarte jan. Sunggaban mo na."

Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Jade.

"Baliw. Ang lalakas ng tama niyo!" sabi ko.

"Ang arte rin kasi," si Bri.

Naiiling na lang ako sa mga pinagsasabi nila.

Nakapako na kay Stephen ang mga mata ko at pinapanood lang siya na nagsusurfing.

"Magaling pala siya magsurf. Alam mo?" tanong sa akin ni Jade.

Nagkibit-balikat ako. "Baka sa dating memories ko alam ko."

"Why don't you take him back? Nakikipagbalikan siya, diba?"

I took a sigh. "Hindi naman porket gusto mong mangyari pwede na, Jade. Yes, I love him so much pero kasi ang hirap e. Alam ko na hindi ako magiging masaya."

"Bakit masaya ka ba ngayon?"

Natigilan ako sa tanong ni Jade. Masaya ba ako? Obviously not. I'm not happy.

Tumango lang ako.

"You're not happy," siguradong sabi ni Jade. "Take him back before it's too late."

Umiling ako. "Ito na siguro 'yong punishment sa nagawa ko before."

Malungkot lang na ngumiti sa akin si Jade.

Lumapit sa aming ang mga boys at agad kong inalis ang mga mata ko kay Stephen. Parang aatakihin naman ako sa puso nang umupo siya sa sun lounger kung saan ako nakahiga ngayon.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon