Chapter 12

227 10 0
                                    

Halos lumundag palabas ang puso ko. Pito lahat ang maglalaban na banda at pang-anim ang banda nila Stephen. Sila na ang kasunod na tutugtog at naghahalo ang kaba at excitement na nararamdaman ko.

"Alam ko marami sainyo ang nag-aabang sa bandang ito. I know how much you want a comeback, right?"

Binalot ng malakas na sigawan ang buong club sa sinabi ng host.

"Wag na natin patagalin 'to. Ladies and Gentlemen, the Comeback."

Dumagundong ang sigawan sa loob nitong club ngunit rinig na rinig ko pa rin ang tibok ng puso ko.

Nang lumabas ang banda nila Stephen ay lalong naging wild ang crowd. Agad akong hinanap ng mga mata niya. He smiled at me that causes butterflies to my stomach.

"Good evening, everyone. Did you miss us?" pagsisimula ni Stephen.

Nakagat ko naman ang labi ko dahil sa kilig. Ang gwapo gwapo ng boyfriend ko.

"This song is for you." Derecho akong tinignan ni Stephen. "Andriella Fontallejo."

Halos mabingi ako sa mga tilian at lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay mapupunit na ang labi ko sa pagkakangiti dahil sa kilig.

Iba ka talaga Montreal!

The best thing 'bout tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before?
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core

Napapikit si Stephen sa unang linya palang ng kanta.

"He never change." Naagaw ang atensyon ko ng akala ko ay may kumausap sa akin.

"He still the same Stephen that I've known." Doon ko lang narealize na kinakausap niya pala ang sarili niya habang mangiyak-ngiyak.

Muli kong ibinalik ang mga mata ko kay Stephen.

This is not what I intended
I always swore to you I'd never fall apart
You always thought that I was stronger
I may have failed, but I have loved you from the start

"The same man that I love." Kasabay ng sinabi ng babae sa gilid ko ay ang pagmulat ng mga mata ni Stephen. Nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya nang magawi ito sa babaeng nasa tabi ko at doon ko lang narealize kung sino siya.

Sabrina Montreal

Ito na ba 'yong kinatatakutan ko? No Andrea! You shouldn't be scared. Wala kang dapat katakutan. Mahal ka ni Stephen.

Natapos pa rin ni Stephen ang dalawang kanta pero hindi na siya ganoon kaganado kagaya noong simula. At mukhang alam ko na kung bakit. Pinagmasdan ko ang pumapalakpak na si Sabrina. Nakangiti siya pero kita ko ang lungkot at sakit sa mga mata niya.

Bakit ka pa bumalik?

Hindi na hinintay ni Sabrina matapos ang contest ay umalis na siya. Naiwan naman ako na hindi maipaliwanag ang nararamdaman.

Lungkot, sakit, takot, galit at pangliliit? Masyado pala talaga siyang maganda. No wonder kung bakit ang mismong kapatid niya ay nainlove sa kanya. I mean ang dalawang kapatid niya.

2nd place lang sina Stephen dahil nga sa biglang pag-iba ng mood niya. Agad ko naman siyang inabang sa gilid ng backstage.

"Hey." nakangiting bati ko.

He smiled. A fake one.

"Let's go. Ihahatid na kita."

Tumango na lang ako.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon