Chapter 9

195 12 0
                                    

Dalawang linggo ang nakakalipas mula nang maging kami ni Stephen. Sa loob ng dalawang linggo hindi pa siya nabibigo sa pagsundo sa akin tuwing umaga kung saan sabay kaming nagbebreakfast. Walang palya ang pagsabay niya sa akin tuwing lunch break at paghatid niya sa akin sa bahay.

"Pustahan tayo huling araw na ng masasayang buhay niyan ni Fontallejo," mahinang sabi ng babaeng nakaupo sa bench malapit sa soccer field. Kasalukuyan kasi akong pabalik ng room galing sa library.

"Wag na. Sigurado naman na mamaya uuwi siyang luhaan."

I just rolled my eyes.

Sinasadya nanaman nilang iparinig sa akin ang mga usapan nila. Ngayon ang isang buwan mula nang magpasukan, isang buwan mula nang magkakilala kami ni Stephen at isang buwan mula nang gawin niya akong target sa tingin ng mga tao dito sa university.

Remember the Stephen Montreal one month rule? Na pagkatapos niyang paglaruan ang target niya sa loob ng isang buwan ay iiwan niya. Kaya ngayon pinagpupustahan ng mga studyante dito ang pang-iiwan sa akin ni Stephen mamaya.

Maging ang mga kaklase ko ay kanya-kanya ring labas ng pera para sa pustahan nila.

"Wala namang pumupusta na hindi siya iiwan ni Montreal ngayong araw," sabi ni Bianca, isa pang kaklase ko na patay na patay kay Stephen.

Nagkatinginan kami ni Klea. Nag-angat pa siya ng isang kilay bago tumayo.

"Ako, Bianca. Pupusta ako na hindi siya iiwan ni Stephen. Magkano ba?"

Nanlaki naman ang mga mata ko tsaka sinubukang pigilan si pero nginitian niya lang ako.

Humagalpak naman sa tawa ang mga kaklase ko. "Seryoso ka ba? Ikaw lang mag-isa at ang dami namin na pupustang iiwan din siya ni Stephen. Patapos na ang isang buwan-"

"I'm freaking serious. Magkano ba ang total ng pusta niyo?" desididong tanong ni Klea.

"25 thousand." Ngumisi pa si Bianca.

"Then deal." Sinuklian din ng ngisi ni Klea. "Bukas ibigay niyo ang mga pera niyo sa akin," confident na sabi ni Klea.

"You wish," sabi pa ni Bianca. Nagkibit-balikat na lang si Klea.

"Ano ba 'yong ginawa mo?" iritang tanong ko kay Klea.

"Ano pa ba? Edi naghanap-buhay. Easy money 'yon, Andrea."

Hinampas ko naman siya. "Nababaliw ka na ba? E, diba kailangan mo nga ng pera?"

"Exactly, bitch! Exactly!" Tumawa pa siya nang nakakaloko.

"At saan ka kukuha ng 25K?"

She smirked. "Kina Bianca."

"Confident ka talaga? Paano kung pinaglalaruan nga lang ako ni Stephen?"

Sumeryoso ang mukha niya. "Then you don't love him enough to trust him, as easy as that."

Napailing na lang ako.

Excited na si Klea para bukas dahil magkakapera raw siya.

"Nangangati ang palad ko. Pera na 'to, Andrea."

Napairap na lang ako. Ilang beses na niyang pinaulit-ulit ang linyang 'yan. Kailangan niya kasing ng pera para sa  panggastos nila ng mga kapatid at mommy niya. Nabankcrupt ang negosyo nila at nagtatago ang daddy niya dahil sa malaking perang itinakbo nito mula sa investors nila kaya naman naghihirap sila ngayon. Kailangan niyang magpart time para sa mga gastusin nila. Mabuti na nga lang at naipasok siya ni Ate Kim sa Swiftea.

"May problema ba?" tanong ni Stephen nang mapansin na tahimik ako.

Nagyaya ako na dito na lang sa Montreal Mall kumain dahil sa ayokong marinig ang mga usapan nila habang kumakain kami.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon