Chapter 17

209 10 0
                                    

Saktong kabababa ko palang ng hagdan ay may bumusina na sa labas. Agad naman akong nagpaalam kina Ate Kim at nagsorry dahil hindi ko sila maisasabay sa pagpasok.

"Okay lang, ganoon naman talaga kapag may boyfriend na," sabi ni Ate Kim sabay ngiti.

"Tsaka okay lang talaga 'yan para sa kanila palibhasa may kanya-kanyang sundo at ako ayun, nakikisabit lang," reklamo pa ni Bri.

"Baliw! Ikaw naman talaga ang sinusundo ng Kuya mo," depensa ni Ate Kim.

"Sige lusot pa, Ate!"

Natatawa na lang akong bumeso sa kanilang dalawa tsaka nagmadaling lumabas na.

"Good morning, baby." Sinalubong ako ni Stephen at hinalikan sa pisngi.

I smiled. "Good morning."

"Ganda ng mood mo, ah? Mukhang effective 'yong kakantahan kita hanggang sa makatulog ka," pang-aasar niya pa. Sinapok ko naman siya.

Magkasama na kami kahapon galing sa bahay tapos nang makauwi siya ay nagvideo call naman kami hanggang sa makatulog na ako.

"Kahit na tumutulo 'yong laway mo, ang ganda-ganda mo pa rin."

"Ano ba, Stephen!" Napipikon na ako dahil kanina niya pa ako inaasar. Dahil nga sa natulugan ko na siya kagabi ang sabi niya nagtutulo na raw iyong laway ko sa himbing at sarap ng tulog ko.

"Pikon naman agad ang baby ko." Hinila niya pa ako palapit sa kanya at hinalikan sa may sintido.

Hawak kamay naming binabaybay ang hallway ng university. All eyes on us pero hindi gaya noon na masasamang titig ang nakukuha ko at mga bulungan na masyado raw akong assumera. Now, my schoolmates were very supportive sa relasyon namin ng campus heartthrob nila.

Nasa tapat na kami ng classroom ko nang pasigaw na tawagin ni Steven si Stephen. Napatili ako nang pagkaharap namin ay tumumba si Stephen sa lakas ng pagkakasuntok ni Steven. Kagaya noon wala pa ring may lakas ng loob na umawat.

"Please, tama na!" Humarang ako sa tapat ni Stephen.

"Umalis ka jan,Andrea!" galit na galit na sabi ni Steven.

Umiling-iling ako. "No. Please tama na!" I pleaded.

Lalong nag-igting ang mga panga ni Steven. "I never persue her for this Stephen. Kahit gaano ko siya kamahal hindi ko siya pinilit na mapasakin. Nilayuan ko siya. Ginawa ko 'yon hindi para kunin mo lang siya ulit at saktan. I saw her pain, I saw how devastated she was before, I saw how messed she was before."

"Kung wala ka namang magandang intensyon sa kanya ay tigilan mo na siya parang awa mo na. Dahil wala akong kakayahang alisin ang sakit na dinudulot mo." Pain flashes in his eyes ngunit agad din itong napalitan ng galit tsaka niya kami iniwan.

Shock ang lahat sa pinakita ni Steven.  He just showed his weak side. Maging ako ay hindi rin makapaniwala.

"Natouch ka ba sa sinabi niya?" inis na tanong ni Stephen habang ginagamot ko ang sugat niya.

Mabilis naman akong umiling. "Siyempre hindi."

"E, bakit ang tahimik mo?"

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng guilt. Naaawa ako kay Steven.

"Naisip ko lang bakit parang ang miserable ng buhay niya."

Umangat ang sulok ng labi niya. "That's what you called karma."

"Tumigil ka nga, Stephen! Kahit ano pang nangyari sainyo magkapatid pa rin kayo."

Bigla namang tumayo si Stephen.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon