Chapter 31

253 12 0
                                    

Nasa opisina ako pero imbes na ang mga papers na kailangan kong pirmahan ang inaatupag ko ay ang panonood sa laptop ang ginagawa ko.

Lalong gumwapo si Stephen. Ang sarap sarap pakinggan ng boses niya at hinding hindi ako magsasawang pakinggan yun.

Pumasok si Queencel.

Siya na ang bago kong secretary.

"Ms. A, pinapanood mo nanaman si hubby mo."

"Queen, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko na siya asawa," sabi ko pero hindi inaalis ang mga mata ko sa laptop.

"Basta para sa akin kayo lang ang bagay na maging mag-asawa."

Napailing na lang ako. "Bahala ka."

"Pero, Ms. A, okay na po ba 'yong mga pinapapirmahan kong papers?"

Nag-angat ako ng tingin kay Queen. "Siyempre hindi pa."

Natawa ako tsaka sinimulang basahin ang mga papeles na nakalatag sa table ko.

"Ms. A, tuloy talaga 'yong pag-alis mo bukas?"

"Oo naman. May plane ticket na ako tsaka concert ticket," sagot

"Handa ka na bang magkita kayo ulit?" nag-aalalang tanong niya.

I took a sigh. "Makikita ko siya pero hindi kami magkikita. Sa dami ng manonood ng concert nila malamang hindi ako makikita nun. Wag ka na mag-alala jan."

"Pero gusto mong magkita kayo?"

Medyo natigilan ako sa itinanong ni Queen. May parte sa akin na gustong malaman kung ano pa rin ba ako para kay Stephen.

"Hindi, Queen," pagsisinungaling ko.

He's on his best now and I don't want to ruin it.

"Jade, baka malate tayo sa flight natin!"

Nagpresinta kasi siyang sumama papuntang America.

Ang sabi niya gusto niya rin raw makapanood ng concert nila dahil crush na crush niya ang guitarist ng bandang The Preys pero alam ko namang nag-aalala talaga sila nila Kyril sa akin. Si Jade lang ang sumama kasi siya lang ang may available time.

Habang nasa eroplano ay nanlalamig ako nang sobra. Papanoodin ko lang naman si Stephen mula sa malayo. Hindi rin VIP ang kinuha kong ticket dahil natatakot akong makita niya ako.

"Ayaw mo ba talagang magkita kayo?"

Mabilis akong umiling. "Ayaw ko, Jade. Maayos na siya at ayaw ko na manggulo pa. Pupunta akong bilang fan niya at hanggang doon na lang."

"Gosh! Ang bilis ng panahon, no? Dati lang asawa ka ngayon fan ka na lang. Grabe pang teleserye!"

"Sinabi mo pa," pag-sang ayon ko.

"Pero paano kung nagkita kayo? Anong gagawin mo?" kuryosong tanong ni Jade.

"I don't know. Baka tatakbo? O ewan."

"Paano kung mahal ka pa rin niya?"

I took a sigh. "Mas maganda kung hindi na." Muli nanamang kumirot ang puso ko sa sinabi ko.

Nang nasa hotel na kami dito sa New York ay lalong hindi na ako mapakali.

"Can you please stop walking back and forth and just rest?" Jade rolled her eyes.

"Ewan ko ba, Jade. Para akong may ginawang krimen ngayon."

Natawa na lang si Jade. Nagyaya si Jade na mamasyal kami nang makapagpahinga na kami pero tumanggi ako. Baka mamaya makasalubong ko pa sa daan si Stephen.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon