Chapter 22

246 10 0
                                    

"Andrea, tara na!" Kinatok ako ni Briana. Dito sila sa bahay natulog kagabi nila Ate Kim at Kyril. Ngayon naman ay pupunta kami sa pool resort nila Shin dito lang sa may Montreal dahil birthday ni Shin.

"Kung hindi lang magtatampo si Shin hindi na ako pupunta," sabi ko sabay nguso.

Ang awkward naman kasi malamang nandoon rin si Stephen.

Napairap si Kyril. "Hayaan mo na 'yong, Stephen, na 'yon hindi niyo naman kailangan mag-usap."

"At hindi naman talaga kami nag-uusap!"

I wear a sky blue beach dress and a pair of flip flops since pool party nga ang celebration ng birthday ni Shin.

Tinignan ako ni Kyril mula ulo hanggang paa.

"Ang tanga lang ni Stephen." Umiling-iling pa siya.

"Pareho sila ni Alezander." Sinamaan naman nang tingin ni Kyril si Briana.

"Tumigil na kayo!" saway ni Ate Kim.

Alas kwatro kami nakarating sa resort nila Shin na kamakailan lamang binuksan.

"Happy birthday, Shin!" Bumeso ako sa kanya.

"Kumusta ka?" Malungkot siyang ngumiti.

I smiled. "Okay naman."

Hindi siya kumbisido sa naging sagot ko. Sa pwesto namin ay naroon na sina Brixel at Sage. Maging silang dalawa ay nag-aalalang tumingin sa akin.

"Napakagago niya talaga kahit kelan," tiim-bagang na sabi ni Brixel.

"Hindi daw pupunta 'yong magaling mong asawa. Nag-away ata sila ni Kuya," bulong sa akin ni Briana. Parang nabunutan ako ng tinik sa narinig ko.

Dalawang oras na kaming nagkakasiyahan pero wala pa rin si Stephen at mukhang hindi talaga siya pupunta. Nakaramdam naman ako ng lungkot. Kahit na maging awkward pa ang sitwasyon sa pagitan namin ay gusto ko pa rin naman siyang makita at makasama.

"Lumalakas si Andrea sa alak, ah? Palibhasa may pinagdadaanan," sabi ni Briana sabay tawa.

"Oo nga!" sang-ayon naman ni Kyril.

Napansin ko rin na nakakasabay ako sa kanila sa pag-iinom at himalang hindi pa ako nana-knockout.

"Hoy, Andrea! Ikaw na sunod na kakanta!" Inabot sa akin ni Ate Kim 'yong mic. At dahil sa epekto ng alak nagkaroon din ako ng lakas ng loob kumanta.

"I dedicated this song to the most special person in my life!" Nagcheer pa sina Briana.

Natawa naman ako. Nakita ko pa na natatawang umiling-iling si Shin.

Nagsimulang tumugtog ang kantang napili ko.

Were you just kidding?
'Cause it seems to me, this thing is breaking down
We almost never speak
I don't feel welcome anymore

Parang pinipilas sa pira-piraso ang puso ko sa bawat lyrics ng kanta.

Baby what happened? Please tell me

Nanginig ang boses ko.

'Cause one second it was perfect, now you're halfway out the door
And I stare at the phone, he still hasn't called
And then you feel so low you cant feel nothing at all

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko nang makita ko kung sino ang mga papalapit sa amin.

Si Stephen at Sabrina..

And you flashback to when he said forever and always

Nabitawan ko ang mic tsaka tumakbo palayo. Dahil sa alak at sa nanlalabo kong mga mata ay nadapa ako. Lalong lumakas ang paghagulhol ko. Hindi pa ako tuluyang nakakalayo at panigurado akong nakikita na nila ngayon kung gaano ako at nasasaktan at kung gaano ako kahina. Ni wala akong lakas para tumayo. Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon