Chapter 37

318 14 3
                                    

Inenjoy namin ang napakagandang asul na dagat buong araw at nang gumabi naman ay nagparty-party kaming mga girls habang may sariling mga mundo ang mga boys sa may veranda. Pero dahil sa kalokohang naisip namin para kay Shin ay hindi na kami hinayaan ng mga boys na magsolo.

At ngayon ay naglalaro kami ng spin the bottle. At ang kinatatakutan ko ay eto na. Tumapat sa akin ang bibig ng bote habang ang ilalim ay tumapat kay Jade.

I'm so dead!

Tumikhim pa si Jade. "So truth or drink?" Nagbaba-taas pa ang dalawang kilay ni Jade.

Sinilip ko ang laman ng basong iinumin ko at nakakaduwal. Lutang na lutang 'yong mantika doon sa alak.

I can't drink it.

"Fine! Truth!" kinakabahan na sabi ko.

Humalakhak naman si Jade na parang may kalokohang naiisip.

"Okay. So, " Pagpapakaba pa niya. Pinandilatan ko naman siya ng mga mata.

"Stephen or Steven?" Jade smirked.

Namilog naman ang mga mata ko.

"Can I just drink it?" helpless na tanong ko. Pare-pareho naman silang umiling.

Ang Daya! Bigla akong nagkaroon ng lakas ng loob na inumin ito dahil sa tanong ni Jade.

"Montreal."

"E, parehong Montreal naman 'yong choices," sabi ni Ate Kim sabay halakhak.

"Fine." Nag-init ang mukha ko.

"Stephen," mahinang sabi ko.

Inulan naman kami ng panunukso.

It's a truth or drink game. Anong sense ng game kung magsisinungaling ako? When the name itself called TRUTH or drink.

Anyway, lagi naman talaga si Stephen ang pipiliin ko.

After namin maglaro ng spin the bottle ay nagkantahan kami. Sobrang perfect lang ng moment.

Good friends, cold night, fresh air, calm sea and a bonfire.

Natulala ako sa tumatawa na si Stephen.

I took a sigh.

Ano na kaya tayo ngayon kung pinili kong maging selfish noon?

Totoo pala talaga na nasa huli ang pagsisisi.

Natigil siya sa pagtawa nang makita niya akong titig na titig sa kanya.

Kumunot ang noo niya. Umiling naman ako.

Mahal na mahal pa rin talaga kita, Stephen Montreal.

Ilang araw na ang nakakalipas mula nang ikasal sina Vera at Sage at syempre nagtatravel ang mag-asawa at ngayon ay nasa Montreal Mall ako kasama ang napacute na si Zerene.

"Tita Andrea, where is Tita Briana?" tanong ni Zerene nang pumasok kami sa isang toy store.

May usapan kasi kami ni Bri na magkasama kaming igagala ngayon si Zerene dahil hindi ko kaya kapag nagsimula na maging hyper 'tong bata, takbo nang takbo kapag ganoon pa naman ay hindi ako agad makahabol dahil madali akong hingalin.

Ang sabi ni Bri ay susunod na lang daw siya dahil may pinapaasikaso pa sa kanya si Brixel.

At eto na nga ang kinatatakutan ko. Dito sa loob ng toy store ay nahyper na si Zerene dahil sa dami ng mga laruan na nakikita niya.

"Baby, wag ka masyadong tumakbo baka pawisan ka!"

Humagikhik lang si Zerene tsaka tumakbo papunta sa mga barbie dolls.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon