Chapter 35

300 16 0
                                    

"Stalker mode nanaman girl?" Nakakrus ang braso ni Kyril sa harap ko. Kasalukuyan ko kasing tinitignan ang social media accounts nila Stephen at Sabrina.

They look so happy together. Sinubukan kong magmessage kay Stephen pero wala akong reply na natanggap.

Sabi na nga ba huli na para sa aming dalawa.

"Sigurado ka bang okay ka lang kung doon ka pa rin titira sa bahay niyo ni Stephen?" nag-aalalang tanong ni Kyril.

"Oo naman. Mas malungkot kapag doon sa bahay ni Vera kasi wala na kayo."

Gusto ko sanang gayahin si Kyril, pinili niyang mas manirahan na lang sa Maynila dahil kahit saang lugar daw dito sa Montreal ay may nagpapaalala sa kanya kay Alezander.

Sana ay pwede ko rin iwan ang Montreal pero feeling ko hindi ko rin kaya kasi nakatali na ako rito. Nakatali na ako sa mga ala-ala namin ni Stephen.

At bakit mas pinili ko pa rin na doon tumira at hindi sa bahay namin? Masyadong malayo ang Monte Vista sa opisina ko na nandito sa Montreal at bukod pa doon ay napag-alaman kong sa akin nakapangalan ang bahay namin ni Stephen.

Kasalukuyan kong kausap ang interior designer na siyang kinuha ko para baguhin ang ibang detalye nitong loob ng bahay. Masyado kasi akong nalulungkutan sa ambiance at style. Biglang tumunog ang phone ko at nakitang ang mommy ni Stephen ang tumatawag.

"Excuse me, I have to take this call."

Tumango naman si Ms. Daphne.

"Hello, Tita?"

"Andrea!" Nabasag ang boses ni tita.

"Tita, what happened? Are you okay?" Nataranta naman ako.

"Andrea si Steven..he's gone."

Nabitawan ko ang cellphone ko dahil sa narinig ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

"Ms. Andrea, are you okay? nag-aalalang tanong ni Ms. Daphne.

"I'm sorry, Ms. Daphne, but I have to go. Maiwan ko muna kayo ng team mo dito," napapaos na sabi ko.

"Sure, Ms. Andrea! I hope you're okay."

Tumango lang ako tsaka nagmadaling umakyat sa taas para kunin ang bag at susi ng kotse ko.

Halos paliparin ko na ang kotse ko papunta sa ospital dito sa Monte Vista.

Nag-unahan ang mga mata ko sa pagtulo nang makita si Steven na malamig na bangkay na dito sa morgue ng ospital.

"No!"

Napahagulhol ako.

Noong nakaraang linggo lang ay may bumalik na ala-ala ko and it was my memory with Steven. We were so close before and he was a brother that I never had.

"Steven, wake up!"

Lalong lumakas ang hagulhol ko nang makalapit ako sa kanya.

"I remember who you really are in my life. Steven, I'm so sorry!"

Naramdaman ko ang paghaplos ng mga magulang niya sa likod ko.

"Tita, Tito. I'm so sorry."

Niyakap naman ako ng mommy ni Steven. "Tita, Steven is one of the most important person in my life. Bakit ko nagawang makalimutan siya?"

"Hija, lahat ng nangyayari ay may dahilan. Maging ang pagkawala ni Steven. It's all have a reason and purpose," sabi naman ng daddy ni Steven.

"He's now our angel. Naniniwala ako na lagi lang siyang nasa tabi natin para bantayan tayo."

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon