Chapter 6

285 13 0
                                    

Nagtagal pa kami ng ilang minuto sa ganoong pwesto hanggang sa umalis siya sa harap ko at umupo sa may armchair ng upuan sa gilid ko.

Kung titignan mo siya ay aakalain mo na nagpophotoshoot siya ngayon dahil sa ang hot niya sa pagkakaupo sa may armchair.

Ipinilig ko ang ulo ko para mawala ang kung anu-anong naiisip ko.

"Come here, baby."

Automatic naman na naglakad ang mga paa ko papunta sa kanya.

"Wag ka na ulit iiwas sa akin kapag nakita mo ko." Ngumuso pa siya na siyang dahilan kung bakit napapangiti ako ngayon.

"Natatakot kasi ako kay Steven."

Hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Don't be scared, Andrea. I will protect you."

"Sabing natatakot ako para sa'yo, e." Napanguso naman ako.

Ngumiti si Stephen na siyang nagpalundag sa puso ko.

I really hate your charm, Montreal!

"Pero natatakot naman akong mawala ka." Nag-init ang mga pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

Tumawa si Stephen. "Hindi ko mapigilan na lalong magustuhan ka kapag nagbablush ka. You're too cute to be true, my Andrea."

"Tumigil ka na nga sa mga banat mo," sabi ko sa kanya. Natawa lang siya ulit.

"Pupunta na ako sa next subject ko," pagpapaalam ko sa kanya. Tumayo siya tapos ay hinawakan niya ang kamay ko.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na kailangan-"

Sinamaan niya ako ng tingin kaya wala na akong nagawa kung hindi ay sumunod sa gusto niya.

Lumabas kami sa lumang building na magkahawak ang mga kamay. Pinagtitinginan kami nung ibang mga estudyante habang 'yong iba naman ay tila sanay na makita kaming ganito ni Stephen.

Palinga-linga ako dahil natatakot talaga ako kay Steven. Paniguradong nasa paligid lang siya. Humigpit ang hawak ni Stephen sa kamay.

"Don't be scared, baby," mahinang sabi niya pa.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang makarating kami sa classroom nang maayos at walang Steven na humarang para magsimula ng gulo.

"Thank you sa paghatid," naiilang na sabi ko.

Ngumiti naman siya tapos ay bigla niya akong hinila palapit sa kanya para yakapin at halikan sa ulo.

"Mag-aral kang mabuti."

Tinukso kami ng mga kaklase ko kaya nag-init ang mga pisngi ko. Kumindat pa siya sa akin bago tuluyang umalis.

Agad akong pinaulanan ng panunukso ni Klea nang maupo na ako sa tabi niya.

"Infairness, ah? Bagay na bagay kayo ni Stephen," knikilig pa sabi niya.

"Talaga ba?"

Lalong lumawak ang ngiti niya tsaka tumango. "Oo nga, parang totoong gusto ka talaga niya."

"E, maniniwala ka ba kung sasabihin ko na gusto niya nga ako?"

Nagkibit-balikat si Klea.

"Ewan. Siguro? Parang imposible kasing magkagusto ang isang Stephen Montreal."

Napanguso naman ako.

Bakit ano bang tingin nila kay Stephen Montreal, hindi tao at imposibleng magmahal siya?

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon