Prologue

1K 27 0
                                    

"Grabe! Balita ko nagpapiercing na siya."

"Oo! At mas lalo raw siyang gumwapo."

"At mas hot siya ngayon!"

"Excited na akong makita siya!"

Unang araw ng pasukan ngayon ng St. Scholastica at simula nang tumapak ako sa University na ito ay puro ganyan ang mga naririnig ko mula sa mga babaeng studyante na hindi magkamayaw sa pagtili.

"Malamang si Stephen ang pinag-uusapan ng mga
'yan!" sabi ni Klea. Nakilala ko siya nung enrollment at napag-alaman ko na magkaklase rin kami kaya laking tuwa ko.

"Stephen?" kumunot ang noo ko.

"Stephen Ashler Montreal. 'Yong anak ni Mayor. Second year college na siya."

"Anong meron sa kanya?"

"Gwapo siya at ang hot niya, girl! Actually, crush siya ng maRaming babae dito sa Montreal."

"Talaga?" Bigla kong naisip na halos magwala rin ang mga kaklase ko noong senior high school nang may nagpuntang lalaki sa school namin na anak daw ng Mayor ng Montreal. Baka 'yong Stephen iyon. Wala akong masyadong interes sa kanya noon dahil busy ako sa ex-boyfriend kong manloloko.

"Kaso alam mo girl, mahirap abutin 'yan si Stephen tsaka mapili iyan sa babae and worst thing is, he's not into commitment kaya ang daming babae na napapaiyak niya."

Tumango-tango naman ako. Unti-unti ay nagkakainterest ako sa lalaking 'yon.

Gaano ba siya kahirap abutin?

"Nasa may gymnasium daw si Stephen kasama niya si Sage."

"Oh, My God! Nagsama nanaman ang dalawang lalaking may kakayahang palaglagin ang mga panty ng babae dito."

Nabunggo pa ako nung dalawang babae na takbo nang takbo.

"Grabe naman!" reklamo ko pa.

"Hayaan mo na. Excited lang silang makita 'yong dalawa. Halika na! Gusto ko rin makita si Sage sa personal, e." Hinila pa ako ni Klea.

"Sino naman 'yong Sage?"

"Team Captain ng basketball team dito sa St. Scholastica. Hindi ko pa siya nakikita sa personal kasi sa Maynila siya nag-aral ng high school. Pero sa picture palang saksakan na ng kagwapuhan tsaka girl, sobrang hot niya! Sa sobrang hot niya ikaw na mismo ang magsusuko ng sarili mo sa kanya." Hinampas ko naman si Klea.

"Ang wild mo!" sabi ko.

"E, bakit ba? Totoo naman. At ang balita ko single raw siya kaya may chance na tayo."

Bigla nanaman akong hinila ni Klea.

Sobrang kapal ng bilang ng mga studyante na nakapalibot sa labas ng gymnasium. Really? Sa mga movies ko lang napapanuod 'yong ganito, e.

"Excuse me."

Talagang sumiksik pa si Klea at hila hila niya ako.

Napako ang mga mata ko sa matangkad na lalaki na nakakatakot ang aura. Mukha siyang may lahing Amerikano at sobrang gwapo niya. I mean his handsomeness is very jaw-dropping.

"'Yong may pagkaforeigner si Sage 'yan. Hala! Mas gwapo siya sa personal," naghuhuramentadong sabi ni Klea.

Halos mabingi ako sa mga tili ng mga kababaihan dito.

May nakaupong lalaki pero hindi ko siya masyadong makita dahil sa natatakpan siya ni Sage.

Nang tumayo siya ay doon ko nakita ang mukha niya. Derecho siyang tumingin sa mga mata ko na siyang nagpabilis ng puso ko.

Unti-unti siyang lumapit sa akin.

"Miss, alam mo ba kung saan 'yong Political Science building? Transferee kasi ako rito."

Halos mabingi ako sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Sino siya?"

"Siya ba 'yong bagong target?"

"Freshman ata siya."

"Ang swerte niya."

"Siya si Stephen Montreal. At nakalimutan kong sabihin na every month may target girl siya at ikaw ang for the month of June," bulong pa sa akin ni Klea.

Muli kong ibinalik ang mga tingin ko kay Stephen.

Ngumiti siya sa akin.

Kinabahan naman ako.

Target ako? Bakit ako? Of all the girls here, ako talaga?

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon