Chapter 38

319 13 2
                                    

Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko. Nang makatulog si Stephen ay nagmadali akong umalis. Matapos namin gawin ang hindi dapat ay sobrang pagsisisi ang naramdaman ko.

Pakiramdam ko ay napakadumi kong babae.

Ganito na lang ba talaga ako? Ipinanganak ba talaga ko sa mundong 'to para paulit-ulit na sirain ang buhay ni Sabrina?

Napakasama ko! Wala akong kasing kasama!

At sa mga kasalanan na nagawa ko kay Sabrina lahat iyon ay dahil kay Stephen. Because of my love for him and I guess it's really about time to cut our connection. Dahil sa tuwing nanjan siya ay hindi ko napipigilan ang sarili ko na gumawa ng hindi naman dapat.

Ang balak ko sanang lumipad papuntang Korea at doon muna manirahan ay naudlot dahil sa nangyaring aksidente kay Alezander.

He's a good friend at mamamatay rin ako sa pag-aalala sa kanya kung sakaling umalis. ako. Mananatili muna ako at dadamayan si Kyril hanggang sa maging okay na ang lahat.

Parang walang nangyari sa amin ni Stephen kung umasta siya. Normal lang ang kilos niya at normal niya lang din akong kinakausap na samantalang ako ay palaging gusto kong umiyak kapag kinakausap niya ako.

I made another mistakes. May panibagong pagkakakamali nanaman ang humahabol sa akin.

Maayos na ang lahat at wala na akong balak umalis dahil hindi naman na kami nagkaroon ni Stephen ng pag-uusap ulit tungkol sa amin pero isang text ang natanggap ko.

From: Stephen
I'm leaving by next week for States. Gusto kitang makita bago ako umaalis at kung hihilingin mong wag na akong umalis. I won't, Andrea, I won't.

At ngayon ay nasa eroplano na ako papuntang Korea. Hindi naman ako magtatagal doon. Doon muna ako hanggang sa masiguro ko na nakaalis na si Stephen at malayo nanaman ang agwat naming dalawa. Lalayo ako hanggang sa kaya ko pa dahil hindi na ako sigurado kung makakaya ko pa ba siyang itaboy sa oras na magmakaawa siya ulit sa akin.

"Napakakomplikado naman ng sitwasyon niyo," sabi ni Queen.

Kasalukuyan kaming magkavideo call ngayon. Hinabilin ko na muna sa kanya ang mga naiwan kong trabaho.

"Ewan ko ba, Queen. Bakit ba kailangan na maging ganito ang lahat?" Napabuntong-hininga ako.

Nakumpirma ko kina Ate Kim na nakaalis na nga ng Pilipinas si Stephen. Isa pa dalawang linggo na rin akong nandito sa Korea and I need to go back home. For sure tambak na ang trabaho ko.

It's been two months since noong may nangyari sa amin ni Stephen and now I'm looking at the mirror holding a pregnancy test kit.

I'm two months delayed and I'm still in denial in the fact that there is really a chance that I'm pregnant.

I'm scared.

What if totoo nga? What if magpositive? What I'm gonna do?

Sobrang nanlalamig ako.

Hindi ko alam kung mag-pepregnancy test ba ako or what.

"Kaya ko bang tanggapin kung ano man ang magiging resulta nito?"

Para akong tinakasan ng dugo sa itsura ko ngayon. Sobra akong namumutla.

Muli kong tinignan ang kit.

Nabitawan ko naman ito nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Oh My God, Briana!" gulat na sabi ko.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon