Chapter 21

225 7 0
                                    

Walang tigil ang mga mata ko sa pagluha. Hindi tinuloy ni Stephen ang gusto niyang mangyari. Matapos niyang punitin ang damit ko ay nagpakawala siya ng malutong na mura tsaka ako iniwan.

"Ewan ko ba naman kasi sa'yo kung bakit nagpakasal ka pa jan kay Stephen," sabi ni Kyril sabay iling.

Bumisita ako dito sa bahay ni Vera at kasalukuyang nakasalampak ako sa sofa.

"At ano hahayaan na lang niyang maging masaya 'yong dalawa? No way in hell! Tama lang ang ginawa mo, Ands!" sabi naman ni Bri.

"Ikaw ba ang huling nakausap ni Andrea kaya pumayag siyang magpakasal? Kunsintidor ka rin, e!" Pinagkrus pa ni Kyril ang mga braso niya sa tapat ni Briana.

Napanguso naman. "Can you please stop? Nagpunta ko dito kasi gusto ko ng peace of mind."

"Good luck na lang sa paghahanap mo ng peace of mind!" naiinis na sabi ni Kyril tsaka umakyat sa taas.

Napabuntong-hininga naman ako tsaka sumandal at pumikit.

Nagpaalam na ako sa kanila dahil kailangan ko pang makipagkita kay Steven para pirmahan ang ibang mga proposal niya. Kasama rin namin si Jiyo.

"Hi!" Bumeso ako kina Steven at Jiyo.

"So next week bibisitahin natin 'yong magiging factory ng clothing line mo and after that derecho na tayo sa office dito sa Montreal," sabi ni Jiyo.

"At ngayon nagpapahanap na rin ako ng magiging office ng AFM sa Manila," dagdag naman ni Steven.

I smiled. "Thank you so much for your help,  hindi ko alam kung makakaya ko ba 'to kung wala kayo."

Isinantabi na muna namin ang tungkol sa business at nagkwentuhan kami ng tungkol sa buhay-buhay namin. Napag-alaman ko na magkakaibigan pala talaga kami nila Steven at Jiyo noon at takot akong makipagkaibigan kay Stephen dahil nga sa may pagtingin ako sa kanya na unti-unting lumalim. Nagpaalam na si Jiyo dahil may meeting rin siya kaya naiwan kami ni Steven dito sa coffee shop.

"Kailangan mo na ba umuwi?" tanong ni Steven.

Umiling ako. "Hindi naman."

"Want to have some drink?"

Napangiti ako. "Yup and I need it."

"Let's go."

Sa isang maliit na KTV house kami nagpunta dito sa may Montreal Heights.

"Cheers!" sabi ko tsaka inangat ang pang-apat na bote ko ng San Mig light. Natatawa naman nanakipag-cheers sa akin si Steven.

"Kumanta tayo."

Agad naman akong umiling. "Hindi maganda ang boses ko," sabi ko sabay nguso.

Derecho siyang tumingin sa mga mata ko. "Ang boses mo ang pinakamagandang boses na narinig ko."

Umiling-iling ako. "Hindi pa ako lasing para kumanta."

"Ako na nga lang ang kakanta," pagsuko niya.

Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

Napapikit ako. Maganda ang boses ni Steven pero sa pagpikit ng mga mata ko isang tao lang ang nakikita ko.

Stephen...

In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.

Chasing Pieces (Chasing #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon