▫ Kabanata 8

9.1K 458 27
                                    

Tatlong araw na ang lumipas noong dinala niya ako rito sa tirahan niya. Sa tatlong araw na iyon ay wala akong ginawa kundi ang magluto at gawin ang mga bagay na gusto ko.

Ako lamang ang nagluluto dahil sa kadahilanan na wala siyang kwenta.

Hindi siya marunong magluto.
Hindi siya marunong maglinis.
Hindi siya marunong ng mga gawaing bahay!

Nakakairita. Ang tanging ginawa niya lang ay ang kumain, matulog at magbasa ng libro na pawang hindi niya pa maintindihan. Hindi ko alam kung may pag-asa ba ang lalaking ito, hindi ko nga alam kung paano siya nabuhay ng mag-isa dito. Wala akong kaalam-alam kung ano bang silbi ng buhay niya. Pero wala akong karapatang magreklamo. Tuwing gumagawa ako ng paraan na tumakas ay bigla na lamang siyang susulpot at aayain akong gumawa ng mga bagay-bagay katulad na lang ng paglalaro ng chess na hindi ko inakalang meron rin pala sila dito.

Mula rito sa kusina, tumingin ako sa bintana at pinagmasdan ang kaniyang ginagawa. Naroon siya at nakaupo lamang sa lupa. Nakapikit ang mga mata at tila pinapanatili ang konsentrasyon ng isip. Inilagay ko ang huling plato sa lalagyanan nito at pinagmasdan siyang mabuti.

Sumasabay ang mga hibla ng kaniyang buhok sa mahinang hangin. Wala siyang suot na pang-itaas at nakapikit lamang siya doon. Lumabas ako ng cabin at pinagmasdan siya mula rito sa terrace habang sinisimsim ang isang tasa ng kape.

Hindi naman siya masamang pakisamahan. Sa katunayan, isa siyang mabait na tao kahit na ang katawan niya ay puno ng katamaran. Habang tinitignan siya ay napapaisip ako kung paano niya nakayanang manirahan dito ng mag-isa. Sobrang tahimik na tila mababaliw ka na.

Muling umihip ang hangin at nanatiling nakapikit ang kaniyang mga mata. Tinaliman ko ang aking tingin sa kanya noong mapagtanto ang isang bagay na hindi ko napansin kanina. Wala siyang presensya. Nakikita ko siya roon ngunit tila wala rin siya. Pawang tumititig ako sa hangin.

Napangisi ako. Alam kong hindi normal ang mundong 'to, lalo na ang mga tao dito. Kaya hindi na ako magtataka kung may mga kaya silang gawin na magpapagulat sa isang normal na tao. Sa tatlong araw na nakasama ko siya, napagtanto ko na kaya niyang lumaban. Napapansin ko iyon sa mga simpleng galaw niya.

Oh how I want to scratch that face of his. Blood might look good on him.

Nabigla ako noong maramdaman ang isang mabilis na bagay na patungo sa akin. Mabilis kong iniwas ang aking ulo. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ang isang patpat na nakatarak sa kahoy. Manipis lamang ito ngunit nagawa nitong bumaon sa matibay na poste ng teresa.

Tumingin ako sa pinagmulan noon at nakita si Yan na nakatingin sa aking direksyon at pansin ang pagkaseryoso ng kaniyang mga mata. Napangisi ako sa aking kalooban habang iniisip ang isang bagay na tanging ngayong araw ko lamang nalaman tungkol sa kanya.

Delikado ang taong ito.

"Don't show your bloodlust to me, Zai." malalim at ma-awtoridad na utos niya sa akin. Ngumisi lamang ako at mahigpit na hinawakan ang patpat na nakatarak sa kahoy. Malakas ko itong binunot at ibinalik sa kanya. Katulad ng ginawa ko, iniwas niya ang kaniyang ulo at tumama ang patpat sa puno. Tinignan niya ito at tumingin sa akin.

Kahit maliit, nakita ko pa rin ang pagtaas ng gilid ng kaniyang labi.

Hindi na lamang niya ako tinugon at pumikit na lang ulit. Nagkibit balikat ako at sumimsim sa tasa na hawak ko. Binigyan ko siya ng huling sulyap at umalis na roon. Pumasok ako muli ng cabin at pinagpatuloy ang pagbabasa ng isang libro na may kinalaman sa mundong ito.

Yan's Point of View

Noong hindi ko na maramdaman ang kaniyang presensya, idinilat ko ang mga mata ko at muling tumingin sa patpat na ibinalik niya sa akin. Mas nakabaon ito kaysa sa ibinato ko kanina. Mahina ang pagkakabato ko sa kaniya kanina dahil hindi ko naman intensyon na saktan siya ngunit hindi ko inakalang medyo napalakas iyon. Nagpapasalamat na lamang ako na naiwasan niya iyon.

Pero hindi ko inakalang ibabalik niya sa akin ang pagkabato. She threw it accurately and strong.

But what's more important is that bloodlust. From this distant, I sensed it. It was terrifying that I almost shivered. I'm used in facing many opponents with a crazy amount of bloodlust but hers was different.

As if she's not a slave at all. Mostly, slaves do not have the will to do something or react to what we do. And I hate those who just lose their will against their enemy or rivals. Hindi ko inaayawan ang mga alipin, if I have the choice, I'll help them but the council has put a fence in between. They have the say in everything.

Bumuga ako ng hangin at tumayo na. Dinampot ko ang damit ko na nakasabit sa puno at sinuot ito. Pumasok ako ng cabin at nakita siyang nakaupo at binabasa ang libro na binasa niya kahapon. Habang tinitignan ko siya, para siyang isang bata na ngayon lang nakita ang mundo.

Habang tinitignan ang larawan sa libro, mapapansin ang bahagyang pagkabuhay ng mga matatalim niyang mata. Lumapit naman ako at umupo sa tabi niya. Uupo pa lamang ako ay nagsalita na siya habang tinuturo ang kung ano sa libro.

"Ano 'to?" noong nakaupo na ako ay pinagmasdan ko ang itinuturo niya. Napangiti ako noong makita ang itinuturo niya.

"That is a special dessert that can only be found in Centrio. It's main ingredient is cream or ice, I think. The four colors symbolizes the seasons of the kingdom. It's very delicious because of it's sweetness and softness. It's called as Cream Royale. It's very expensive you know." pagpapaliwanag ko sa kaniya.

"Hmm... parang ice cream." Ice cream?

"Eto. Ano naman 'to?" turo niya sa isa pang bagay. Magsasalita na sana ako upang ipaliwanag sa kaniya ito ngunit nakarinig kami ng tatlong katok sa pinto.

Tumayo naman ako at nagpunta rito. Binuksan ko ito at nabigla sa taong kumatok sa pinto ng cabin. It's been a few months since I last seen him.

"Levine." bigkas ko sa pangalan niya.

Ngumiti naman siya at mukhang napansin niya ang presensya ni Zai. Tumingin siya rito at sumeryoso ang kaniyang ekspresyon. Tinitigan niya itong mabuti at tila sinusuri ang pagkatao nito. The usual Levine who sees a new face.

Ibinalik niya sa akin ang kaniyang tingin. Ngumisi siya at inayos ang suot niyang top hat. "Didn't expect that you'll have another guest, Yan. Pardon my intrusion."

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon