Kabanata 12

9.2K 470 35
                                    

Zai's Point of View

"Hay~ I'm bored. Yan! Do something entertaining!" nababagot na saad ni Levine habang nakahiga sa sopa at nakalaylay ang ulo na nakatingin kay papa. Si papa ay nakatalikod lang sa kanya at abala sa pagbabasa ng maliit na libro.

Noong una ay hindi ko inakalang naiintindihan niya 'yon pero ngayon ay sigurado na ako. May utak rin pala ang tamad na ito.

"I'm not a clown for pete's sake Levine. Kung nababagot ka na, get the hell out of here" taliwas sa maamo niyang itsura, minsan madumi rin ang bibig nito.

"Huwah~ boring" saad niyang muli at hinulog ang katawan mula sa sopa at dumapa sa sahig. Halata ang katamaran sa katawan nito.

"Lumabas ka na lang at gumala muna kung nababagot ka na, Levine" suhestyon ko.

"Ang duga! Nung sinabi kong tawagin mong papa si Yan mabilis kang sumang-ayon pero ako Pops lang itatawag mo ayaw mo pa! Waah! Ang duga!" inirapan ko na lamang siya. Bigla naman siyang tumahimik na tila may naalala at umayos siya ng upo. Gumapang siya papunta kay papa at tumigil sa gilid nito.

"That reminds me. Hindi mo pa nagagala si Zai sa Capital hindi ba?" Aniya. Napatingin naman sa kanya si Papa na tila nagulat rin. Itinakip ko sa mukha ko ang librong hawak ko at hindi pinakita ang pagkakanguso ng mga labi.

I've been itching to ask that for a long time. May silbi rin pala 'tong kumag na 'to.

"Huh? Oo nga no" tila bata na saad ni papa. Mukhang nabuhayan naman ng loob si Levine at biglang tumayo.

"Then let's go!" saad ni Levine at nagmamadaling nagtungo sa kwarto niya para magbihis.

"You should get change too. It will be a long day" nakangiting saad sa akin ni papa. Tumango naman ako at iniwan ang libro sa lamesa.

~¤¤*¤¤~

"Haaa~ ang sarap ng simoy ng hangin" masayang sabi ni Levine habang nasa gilid ko siya at nagtitingin-tingin sa paligid. Levine wasn't wearing his usual formal attire. He looks like a normal commoner. Wearing a long sleeve, pants and a cap.

"Still busy, I see" saad naman ni papa habang tumitingin sa mga tao na abala sa pagbebenta, pagbili at pagdaan ng mga karwahe.

"So this is the Capital of Centrio" saad ko naman at dumako ang mga mata ko sa mga mansanas. Pulang pula ito at tila kakapitas lamang. Hinila-hila ko ang manggas ng polo ni papa. Tumingin naman siya sa akin. Tinuro ko ang mga mansanas.

He chuckled like he knew I was going to point at the red apples. Naglakad naman kami papunta roon. Hinila niya ang likod ng kwelyo ni Levine na parang batang lingon ng lingon sa paligid.

Hindi doon natapos ang araw namin. Marami kaming napuntahan ngunit sa sobrang laki ng kapitolyo ay mabilis kaming napagod. Napunta kami sa town square at doon naupo. Doon namin kinain ang mga pinamili namin.

Natutuwa ako dahil may kasama akong isang headmaster ng isang paaralan at isang heneral. Ibig sabihin, libre nila lahat dahil marami silang pera. Habang hawak ko ang mga pagkain, hindi ko maiwasang matakam dahil mukhang masasarap ang mga ito.

Siguro kapag bumisita ako kila Aki, dadalhan ko sila ng mga ganito. Napatingin ako kay papa noong kinalabit niya ako, nginunguya ko pa ang pagkain ko.

"Look" aniya at may itinuro. Tumingin ako sa itinuro niya at nakita ang isang malaking establisyamento. Lumiliwanag ito at tila tanyag na tanyag.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon