Kabanata 22

8.6K 437 32
                                    

Zai's Point of View

Habang naglalakad ako sa pasilyo, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Napangisi ako dahil masyadong halata ang inis at galit nila sa akin.

Hindi ko na lamang sila pinansin at pinatiling diretso ang tingin. Layn, Trois and Yu are just walking behind me.

Speaking of Yu, ngayon ko lamang nalaman na hindi siya isang opisyal na estudyante ng paaralan. Naririto lamang siya dahil sa utos ni Levine na matyagan ang bawat kilos ko. Pumapasok lamang siya sa mga klase para bantayan pa rin ako.

Kumbaga, isa siyang tao na nakiki-sit in lang sa klase.

Binuksan ko ang pinto ng silid namin at mabilis na iniwas ang ulo noong makita ang isang mabilis na libro na patungo sa mukha ko. Imbes na sa akin tumama, kay Yu iyon sumapul.

Hindi naiiba ang tingin ng mga tao sa silid na ito mula sa mga taong nasa pasilyo kanina. Nagkibit balikat na lamang ako at dumiretso sa upuan ko.

I rested my arms on my desk and rested my chin on them. Nakakabagot ang araw na nangyari kahapon. Pagkatapos ipasulat ni Sensei Alice ang mga sangkap at proseso na ginawa ko para makumpleto ang panlunas na iyon, isinama niya ako agad sa Health Department.

Sinubok nila ang panlunas na iyon at tinanong ako ng kung ano-ano. Binigyan rin nila ako ng karapatan na lagyan iyon ng presyo at nagulat naman sila sa sagot ko. Kinausap nila ako tungkol sa sagot ko pero hindi magbabago ang isip ko sa presyo noon. Wala silang nagawa dahil produkto ko iyon.

Pagkatapos ng argumento na iyon ay walang paalam na umalis ako ng kanilang departamento at umuwi na sa dormitoryo dahil inabot ako ng hapon at tapos na ang klase.

"Are you really fine about this?" ihinarap ko ang mukha ko kay Layn noong nagsalita siya. Hindi siya nakatingin sa akin. Nilalaro niya lamang ang teddy bear na hawak niya.

"This?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang nais niyang sabihin.

"Students see us as pests and they really hate us to the core. Though I don't care about it anyway" walang interes na sabi niya.

"Nadadawit ako sa pinaggagagawa mo eh" dugtong naman ni Yu na halatang dehado sa sariling sitwasyon.

"Hmmm? Don't you like it?" aniko at nag-inat.

"Not really" saad ni Layn pero kasabay rin niyang nagsalita si Yu.

"Of course not!" sigaw nito at malakas pang ibinagsak ang nakakuyom na kamay sa lamesa. Nilingon ko siya at napapitlag siya dahil sa uri ng pagtingin ko sa kanya. My expression was dark and serious.

"Then f*ckin' stop following me around" may bahid ng iritasyon na saad ko. He bit his lower lip harshly and just averted his eyes away from mine.

Muli akong tumingin kay Layn na nakatingin na pala sa akin. Trois was resting his elbow on his desk and his chin is resting on his hand while his eyes are focused on me and he's still wearing that exciting smile of his.

"Irritating, pestering, angering and letting them loath me is like a motivation towards there own challenges. It excites me when I feel there anger. Don't you like it?" inosenteng saad ko sa kanila. Trois chuckled and faced me.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon