Kabanata 48

7.5K 440 15
                                    

Third Person's Point of View

"We will have a little break before the second challenge starts. Please be prepared and proceed to the field immediately if the second game is about to start" pagkatapos iyon ianunsyo ng emcee ay muling bumalik ang mga estudyante upang maglaro sa mga booths at rides na naroon.

"I'm bored" biglang sabi ni Zai kaya naman ay napatingin rito si Wein. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa lugar at nakita ang isang shooting game. Hinatak naman niya patungo roon ang dalaga.

Binayaran niya ang matanda na naroon at hinawakan ang pana na nakalagay sa kanilang harapan. Medyo malayo ang target. Sa kada booth kasi ay ginagamit nila ang mga silid ng paaralan. Isa itong paraan upang kumita rin ang mga outsiders.

Ang target nila ay mga gumagalaw na mga taong gawa sa cardboard.

"Hit all of it and you get a prize but hit all the head and you'll earn a much bigger prize" nakangiting sabi ng matanda.

"Bigger prize?" tanong ni Zai.

"Yup. You get to earn something that only the Gods can claim, little outsider" iyon ang pagkakarinig ni Zai ngunit mukhang iba naman ang narinig ni Wein.

"So the bigger prize is a whole treasure chest?" pagkukumpirma ni Wein. Tinignan niya ang binata pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa matandang nakangiti lamang. Humarap siya sa matandang lalaki at noong dumilat ito ay saglit niyang nakita ang mga pamilyar na mata. The eyes of the woman she met in her dreams. She won't forget those eyes that resembles the ocean and the sky.

"Avis" hindi niya mapigilang sabihin ang pangalan nito.

"Anong sabi mo?" tanong naman ni Wein na inihahanda na ang pana.

"Sabi ko bilis. Ang kupad mo" sabi niya rito na hindi nagbabago ang ekspresyon. Sumimangot naman si Wein at tumingin na sa mga target. Pinatamaan niya ang mga ito ngunit walang tumama sa ulo.

"Damn"

"Don't mind. I expected it"

"Shut up"

Tumawa naman ang matanda dahil sa pag-uusap ng dalawa.

"It looks like that you're already being accepted" nakangiting sabi ng matanda habang itinututok na niya ang kaniyang pana sa target. Hindi naman mapigilan na makuryos ni Wein dahil sa narinig.

Binitawan ni Zai ang palaso at tumama naman ito sa ulo. Kumuha pa siya ng isa at muli itong ihinanda.

"Yeah. But we fight sometimes"

"I know"

Muli nitong pinakawalan ang palaso at katulad ng isa ay tumama ito sa ulo.

"You really want to know that big prize. Because if you don't, you won't put effort in this kind of thing" nakangiti pa rin ang matanda at nakatayo lamang ito habang tinitignan ang mga target sa malayo at ang mga kamay ay nasa kaniyang likod.

"Yeah, it's time that excitement are brought in this story" tumawa naman ang matanda dahil sa sinabi nito.

"Uhm... do you know each other?" hindi mapigilang tanong ni Wein. Ang matanda lamang ang humarap sa kaniya at ngumiti.

"Yes. She is my guest" lalong hindi niya naintindihan ang sinabi nito ngunit alam niyang may ibig sabihin iyon. Nagkibit balikat na lamang siya at umupo ng maayos sa silya. It's none of my business anyway.

Pinakawalan na ni Zai ang huling pana niya at tumama iyon sa ulo. Pumalakpak ang matanda at hinarap naman niya ito.

"Congratulations. I shall now give you your reward" he snap his fingers and suddenly the things surrounding them stop moving. Nagbago ang itsura ng matandang lalaki. Ang maikling gray na buhok nito ay naging mahaba, maalon at dilaw. Lumiit din ang katawan nito at ang simpleng damit ay naging magarbo. Ang mga mata nito ay pumungay at humaba ang mga pilikmata.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon