Kabanata 21

8.4K 496 44
                                    

Third Person's Point of View

The news spread like a wild fire. A student who created a very effective healing potion that no one has expected.

Potion makers was amazed and they are looking up to the student who invented a potion that they can't even make. They respected the student who was unknown until the day they knew about the potion.

Zai's name was known. It helped the town people and they knew about the general's daughter.

Yan was visiting the village and he was wondering why are the people excited and amaze at the same time. He was wearing a cloak to hide his identity. He was looking at the people who is holding a piece of paper and smiling.

Until he can't handle his own curiosity. Nilapitan niya ang nagkukumpulan na tatlong matatandang lalaki. Nakangiti ang mga ito habang may hawak na mga papel.

"Paumanhin po" panimula niya kaya naman ay napatingin sa kanya ang mga matatanda.

"Nagtataka lang po ako. Bakit po tila may kagalak-galak na nagaganap?" magalang niyang tanong.

"Ah iyon ba? Tingnan mo 'to" sabi ng isang matanda at ibinigay sa kanya ang hawak niyang papel. Kinuha naman niya ito at binasa.

Bahagya siyang nagulat noong makita ang nakaguhit na mukha na naroon.

"Isa siyang estudyante mula sa paaralan. Siya ang estudyante na gumawa ng isang tunay na gumaganang panlunas na gamot. Anak siya ni Heneral Yan na hindi namin inakalang may supling pala. Nasurpresa kami dahil sa kaniyang ginawa. Sa aming pagkakaalam, kakasimula pa lamang ng klase. Tila nagmana nga ang batang iyon sa kanyang ama!" komento ng isang matanda.

"Siya ang gumawa ng panlunas na iyon kaya naman nagkaroon siya ng karapatan sa presyo nito na maibebenta sa katulad natin. Napakabait niyang bata dahil napakababa ng presyo na kaniyang ibinigay!" tila malaki ang utang na loob na saad ng isa pang matanda.

"Dahil din don, maraming patrician ang naiinis sa kaniya. Tila sinasabi nila na yayaman siya lalo kung talagang pinag-isipan niya ang presyo ng panlunas" naiinis na saad ng isa pang matanda.

Mahinang natawa si Yan habang nakatitig sa hawak niyang papel. Alam niyang may gagawin itong kagulat-gulat dahil ganoon ang personalidad nito. Ngunit hindi niya inakalang gugulatin agad siya nito sa unang araw pa lamang ng kaniyang klase.

Napangiti siya noong maramdaman ang isang mainit na pakiramdam sa kaniyang puso. Matagal na mula noong maramdaman niya iyon. Matagal na noong may nais siyang ipagyabang sa iba.

Humangin ng malakas at kasabay noon ay ang pagtingala niya sa paaralan kung saan naroon ang kaniyang itinuturing na anak. Natanggal ang hood ng suot niyang cloak at nagulat pa ang mga matatanda habang nakatingala sa kanya. Sinong Mag-aakala na ang kausap pala nila ay ang ama ng kanilang pinag-uusapang dalaga?

"I'm so proud of you" bulong niya sa hangin na sana ay makarating ito sa dalagang kaniyang sinasabihan.

Nakangiting humarap siya sa mga matatanda.

"Marami pa po siyang gagawin na ikagugulat ninyo. Kasi ganon talaga siya. Maraming salamat po" aniya at bahagyang yumuko. Isinuot muli niya ang hood at naglakad papalayo.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon