Class started and I'm currently fixing my necktie in front of the mirror. I was wearing this devilish grin since I woke up. I can still remember those shock faces of those magic users or whatever.
Lumabas ako ng pinto at hindi na ako nagulat na naroon si Yu at inaabangan ako. Mula pa kahapon ay hindi niya ako nilubayan. Palagi niya akong pinagmamasdan na tila isa akong leyon na minamatyagan ng isang mangangaso.
Naglakad kami pababa ng hagdan. He was always two steps behind me at walang pinagbago iyon ngayong araw. Kahit na kahapon lang kami nagkakilala, alam ko na ang pagiging alerto niya kapag nasa paligid ako. I can still remember his shock face before I left the conference room yesterday.
"Why so quiet Yu?" tanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman na ang kasagutan. Tumagal ang sampung segundo bago niya ako sinagot.
"You're dangerous" I scoffed because of his answer.
"That's funny. You're afraid to a mere human like me?" may kahulugan sa sinabi ko pero marahil ay hindi niya naintindihan iyon dahil hindi naman niya alam ang tunay kong pinagmulan.
"Who wouldn't be afraid to a girl who can lift a large man with one hand?" sarkastikong saad niya at tumingin sa ibang direksyon habang ang kamay ay nasa batok. I chuckled because of his question.
"I'm just weak Yu. No need to push your alert button" aniko at nagtungo sa kusina. Katulad kahapon, gumalaw na naman ang mga plato. And then again, Wein vomited.
"Luck hate you huh?" saad ni Vyann habang nakatingin kami sa kanya.
"Shut up" nanghihinang saad niya. Namumutla siya dahil sa dami ng sinuka niya.
Pagkatapos naming mag-agahan ay lumabas na kami ng dormitoryo at nagpunta sa mga sari-sariling klase. Kleiv, Wein and Vyann are second years kaya hindi namin sila kaklase. It was lucky for me to be in the same class with Layn and Trois.
Nasa harap na kami ng pintuan at katabi ko naman si Trois na, as usual, excited ang ekspresyon. Bubuksan na nasa namin ang pinto noong bigla kaming pinigilan ni Layn.
"Wait!" saad niya at tinulak kami paalis sa harap ng pinto. Sabay ng paglapag namin sa sahig ay ang pagbukas ng pinto at tila may naghagis mula sa loob ng isang timba ng kulay itim na likido. Naunang maupo mula sa pagkakadapa si Layn habang hawak ang teddy bear niya. Sumunod naman kami.
Nilapitan namin ang itim na likido at tila mabilis itong natuyo at nanatiling itim ang parte ng sahig na nasabuyan nito.
"It's a Dark Ink. If it touches your skin, your skin will be covered with ink for a month or so. It's hard to remove" saad ni Layn habang nakasquat at nakatingin sa itim na parte ng pasilyo. Napangisi ako at humakbang patungo sa silid. Nakita ko roon ang mga estudyante na halatang hindi kami wine-welcome so loob ng klase.
"Thank you for your welcoming party" nakangising saad ko.
"Thank you!" pagdugtong naman ni Trois at nag-i-skip na naglakad patungo sa isang bakanteng upuan na nasa gilid ng glass wall na matatanaw ang buong field. Ang kabilang dingding ng silid ay gawa lamang sa matibay na salamin kaya naman kitang-kita mula rito ang mga puno at ang malawak na lupa ng paaralan.
Nakangising lumapit rin ako doon habang si Layn ay sumusunod sa akin at nahihiyang nagtatago sa aking likuran. Umupo kami at hinayaan ang mga masasamang tingin ng mga kaklase namin. Si Yu naman ay casual na pumasok ng klase at umupo sa upuan na nasa likuran ko. He's like a walking CCTV.
Ilang saglit lang ay bumukas na ang pinto at pumasok ang isang babae na mukhang nasa bente pa lamang ang edad. Katulad ng kay Sensei Sinner, ganoon rin ang kaniyang pananamit ngunit pencil cut naman ang suot niyang skirt.

BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasia[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...