Kabanata 49

7.7K 367 11
                                        

Lumipas ang mga oras at marami na ring mga laro ang kanilang ginanap.

The third game was won by the Knights. The fourth is won by the Kings, the game is about cards and Jebal easily won because of his gambling skills. The fifth is all about beauty, and the Queens are the ones who took the title. Zera was pissed because of the result.

And now the sixth game is about to start. Lahat ng estudyante ay pinag-uusapan ang tungkol sa huling laro habang pumapasok sila sa arena na meron ang paaralan. Lahat ay sabik at tila hindi makapaghintay na ito ay magsimula.

Dahil ang huling laro ay ang pinakadelekado sa lahat ng mga laro na kanilang ginanap. Isa itong labanan na ikaw ay maaaring mapuruhan.

Ang arena ay napuno ng mga estudyante na nagbubulungan at nagsisigawan. Mayroon pang mga outsider na naglalako ng iba't ibang pagkain.

"Manang! Bigyan niyo nga po ako ng isa!" tawag ni Axen sa isang matandang babae na naglalako ng popcorn.

"Eto oh" ibinigay naman ng matanda ang binibili nito at binayaran na nga ito ni Axen. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakita nilang naglakad patungo sa gitna ang kanilang Headmaster. Nagsigawan ang mga estudyante dahil sa pagkasabik at tuwa. Levine chuckled because of the crowd's excitement.

"I can see that you can't wait anymore then let us start the final game! Captains, please come up on stage" lalong lumakas ang sigawan dahil sa inanunsyo nito.

Tumayo na si Zai ngunit biglang may humawak sa kaniyang kamay. Tinignan niya ang kaniyang katabi na si Wein at nakita itong seryosong nakatingin sa kanya. Ang iba ay nakangiti sa kanya at binibigyan siya ng thumbs up.

"Be careful out there. Zai" may bumakas na maliit na ngiti sa mga labi ni Wein na agad namang nakita ni Zai.

"Get crazy out there Captain!" Axen was wearing his usual boyish smile then gave her a fist bump even though he's far from her.

"I'll reward you with a kiss later if you win Cap"

"I refuse" pagsagot ni Zai kay Ace at nagsimula na siyang maglakad patungo sa stage. Umakyat siya sa enteblado at nakita sa gitna ang ibang mga kapitan. Kumaway sa kanya si Serene na may suot na ngiti sa mga labi. Papunta na sana siya sa mga ito ngunit tumigil siya sa paglalakad noong makitang papalapit sa kanya si Levine. Maski ang ibang estudyante ay natigilan at nanahimik.

Noong tuluyan ng makalapit si Levine ay hinawakan nito ang kaniyang balikat at bumulong. Halata ang pag-aalala sa mukha nito.

"Are you sure you're gonna do this? You can---"

"... back out and be humiliated? That's not gonna happen" nakangising pinagpatuloy ni Zai ang kaniyang dapat sasabihin.

"But Zai. This isn't a normal fight. They'll be using their---" muli siyang natigilan noong mahinang inilagay ni Zai ang kaniyang kamao sa dibdib nito.

"You worry too much. I can handle this."

"But Zai..." biglang lumungkot ang ekspresyon nito at tinanggal ang suot na top hat.

"... if you get injured badly, I don't know what I might do. They are my students and I can't afford to hurt them but you're like a daughter to me, that's a different story" hindi naman mapigilan ni Zai ang ngiti na pumorma sa kaniyang mga labi. Hindi niya inakalang ganoon pala ang tingin sa kanya ng lalaking inakala niyang walang katiting na tiwala sa kanya.

"Okay. I'll surrender if something really bad happen, deal?" tinitigan muna siya ni Levine bago bumuga ng hangin at tumango. Muli niyang isinuot ang kaniyang top hat at humarap na ulit sa mga estudyante.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon