Binuksan ko ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay ang kisame. Umupo ako at tumingin sa labas ng bintana, sisikat pa lamang ang araw. Sa katunayan ay kulay asul pa ang langit. Maaga pa ngunit buhay na buhay na ang diwa ko.
Tumayo ako at lumabas ng silid. Medyo madilim pa ngunit sapat na upang makakita. Bumaba ako sa hagdanan at nagtungo sa pinto ng dormitoryo. Binuksan ko ito at lumabas. I stretched my arms, hips and legs and started to jog.
Ang sabi ni papa ay magandang magjogging sa loob ng academy kapag madaling araw kaya naman ito ako at gustong tumakbo. Tahimik ang lugar at tanging maririnig ay ang huni ng mga ibon. Maririnig mo rin ang pag-ihip ng hangin sa mga damo.
Kalahating oras na akong tumatakbo at nagsisimula ng sumikat ang mga araw. Napapangiti ako tuwing tumatama ang sinag ng mga ito sa balat ko. Hindi ito sumusobra sa init. Tila niyayakap ka lamang nito.
Napatingin ako sa aking harapan noong maramdaman ang isang presensya. Mula sa malayo ay nakikita ko rin ang isang tao na tumatakbo patungo naman sa direksyon ko. Tiyak na magkakasalubong kami. Noong nagkalapit na kami, doon ko lamang nakita ang kaniyang mukha.
Siya yung epal kahapon. Sa aking pagkakaalala sa pangalan niya ay Wein at siya ang presidente ng student council. Sobrang seryoso ng mga titig niya lalo itong lumalala dahil sa suot niyang salamin. Kulay berde ang buhok niya, ganoon na rin ang kaniyang mga mata. Nakasuot siya ng t-shirt na medyo maluwag sa kanya at shorts.
Tumigil kami sa pagtakbo at dalawang metro lamang ang layo namin sa isa't isa.
"Good morning" pormal ang pagkakabati niya sa akin. Tumango lamang ako. Inayos niya ang kaniyang salamin at tumingin sa akin ng mabuti.
"I'm not going to believe that you are General Yan's daughter. You two don't have any single similarities" eto na naman? I rolled my eyes at him.
"I'm not going to convince you about that matter." Sagot ko at lalampasan na sana siya pero humarang siya sa daan.
Tumingala ako sa kanya at nakita ang mga mata niya na tila gusto akong katayin.
"Never walk away from someone who is talking with you. Have manners, you brat" tila pumutok ang ugat ko sa sintido dahil sa sinabi niya. Bakit tila nagbago ang pormal niyang ugali?
"Ha? Anong tinawag mo sa akin? Sinusubukan mo ba ako, you jerk?" Tila nainis rin siya sa tinawag ko sa kanya.
"You really have a foul mouth, brat" ngumisi naman siya na halata namang naiirita.
"You have a split personality, you jerk" sabay naming hinawakan ang kwelyo ng isa't isa. Wala akong pake kahit matangkad siya. Kayang kaya ko siyang patulan.
"Why can't you just shut up? Ha?" Napipikong saad niya na nginisihan ko naman.
"Then make me" paghahamon ko sa kanya. Sabay naming itinaas ang kamao namin at kasabay non ay ang pagbukas ng pinto sa gilid namin.
"Ano ba yan? Ang aga-aga, maingay na?" humihikab na saad ni Levine at naglakad papunta sa amin. Hindi ko namalayan na nasa harap pala kami ng opisina niya.
"The hell are you wearing?"tanong ko noong bumitaw na kami sa isa't isa. Tinitigan ko si Levine. He's wearing he's pajama at mayroon pang kung ano sa ulo niya. Yung parang sumbrero ng nuno.
"Ano ba yan. Kakagising ko palang may bangungot ng sumalubong sa akin?" sabi niya habang nakatingin sa akin. Mabilis ko siyang binigyan ng suntok sa ulo.
"Aray aray aray. Sorry na. Binibiro ka lang naman!" saad niya at biglang napatingin kay Wein noong maramdaman ang presensya nito.
"Wein, fancy to meet you. How was your vacation?" pangangamusta niya sa lalaki. Nagbigay naman ng isang pormal na ngiti si Wein at bahagyang yumuko habang ang kanang kamay ay nasa kaliwang parte ng kaniyang dibdib. Iyon ang pormal na pagyuko ng mga butler sa mga amo nila.
"It's such an honor for the headmaster to greet me. I've been fine, Sir Levine" saad niya at umayos na ng tayo. Tila nailang din si Levine sa inakto nito.
"Masyadong mataas ang tingin mo sa taong 'to no?" Saad ko at tinuro si Levine gamit ang hinlalaki ko.
"It hurts!" nag-iinarteng saad ni Levine at humawak sa dibdib niya.
"Don't point at the headmaster, you ill-mannered brat" matalim ang tingin na saad nito sa akin.
"Ha?! Anong sabi mo? Naghahanap ka ba ng away?!" Humakbang ako palapit sa kanya ngunit mabilis na dinampot ni Levine ang damit ko at ngumiti kay Wein.
"Pagpasensyahan mo na 'to, she just inherited her father's bad side" pagpapalusot niya. Inirapan ko na lamang sila at umayos ng tayo.
"So Zai, how was the dorm?" pagbaling sa akin ni Levine.
"Oh. You're asking about the hunted mansion? It's good. It's a perfect hideout" sarkastikong saad ko.
"Yan told me to put you there so talk to him if you want to change dorms." Bumubungisngis na saad niya. Kung totoo ang sinasabi niya, marahil ay gusto akong subukan ni papa. Napangisi ako. I'll take up his challenge.
"This is quite a timing, headmaster" sabay kaming napatingin kay Wein noong nagsalita ito.
"I was planning to talk to you about my dormitory. I'm still not being assigned to any dormitory as of now. Permanently" dagdag nito. Mukhang naalala naman ito ni Levine at inilagay ang hintuturo sa baba.
"Hmmm... Heister did tell me about that. But you see... the Queens Dormitory won't accept guys. You know them. The Generals Dormitory don't want to accept you because of your position. They say: 'How can we beat a top exceliumist if he's in our team?' Those guys are quite passionate when it comes to winning huh? And last one is the Knights Dormitory, they also won't accept you, that's for sure. They're always complaining about your attitude. They said you're always being bossy, stoic and too formal" I almost let out a laugh because of the rejections that the dormitories gave him.
Even though he heard all those rejections, his face remained stoic and straight.
"Yes. I'm fully aware about their complains. That is why I'm asking you right now" saad niya. Nag-isip ng mabuti si Levine. He was also having this long and frustrating humming from his lips. Ilang minuto ang nagdaan ay ipinukpok niya ang nakayukom niyang kamay sa isa pa niyang kamay.
"Okay. Then go to the Kings Dormitory" tila balewalang saad niya.
"Ha?!" Ako ang unang prumotesta. What is he talking about? Putting that guy in the same roof as mine?!
"Understood" yumuko naman si Wein.
"Okay lang sayo yon?!" gulat na saad ko sa kaniya.
"It's the headmaster's order"saad niya at naglakad na palayo pagkatapos niyang magpaalam kay Levine. Mabilis ko namang hinarap si Levine.
"What are you thinking?! I hate that guy!" sigaw ko. Nagtaka naman ako noong ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng ulo ko. Seryoso ang kaniyang ekspresyon at walang bahid ng kalokohan.
"Zai. This is not your ground. You have to associate with persons like him even though you don't like them being around. Remember Zai. This is not your territory. This is one of the things that Yan wants you to learn and realize" pagkatapos niyang sabihin iyon ay pumasok na ulit siya sa opisina niya.
Bumuga ako ng hangin at naglakad pabalik ng dormitoryo. Tinamaan ako sa sinabi niya. It literally hit my mind and heart. Tila nahiya ako at nainsulto. Hindi ko magawang idepensa ang sarili ko dahil ang sinabi niya ay purong katotohanan. He's saying that I have no rights to complain about how the things they do in here. I'm not in my territory. This school is not. This kingdom is not. This world is not.
I have no rights to be picky here. I'm just an uninvited guest.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...