Kabanata 15

8.7K 404 35
                                    

Pinagmamasdan ko lang ang likod niya habang naglalakad kami patungo sa kung saan. Sobrang tahimik niya pero nalalabas niya ang inis niya pagdating sa ugali nung lalaki na nagngangalang Vyann. Siguro ay matagal ng magka-away ang dalawa.

"I was actually shock to know that you are the daughter of General Yan" mahina ang boses niya ngunit dahil nga tahimik ang pasilyo, narinig ko pa rin ito. Tumaas ang isang kilay ko dahil sa tono ng kaniyang pananalita.

"What do you mean?" saad ko at diniretso ang tingin.

"You have nothing in similar. In features, personality, and the feeling" nagtaka naman ako sa sinabi nito.

"Feeling?" pagtatanong ko. Tumango naman siya at diretso lamang ang kaniyang tingin.

"Yes, feeling. When you stand close to General Yan, you can feel the gentleness, calmness, peace and kindness" huh? Anong sabi niya? Gentleness? Calmness? Peace? Kindness? Takte. Bakit biglang pumasok sa isip ko yung panahon na para akong tumira sa impyerno dahil sa mga pinapagawa niya? That guy is a sadist. Yes I love pain but I hate fatigue.

"But with you" napansin ko naman ang saglit na pagsulyap niya sa akin. Kinikilabutan talaga ako sa matalim niyang tingin. He's a mystery and that is what makes him scary.

"I can feel tension, coldness, and bloodlust. Are you aware?" hindi marunong maghugas ng salita ang lalaking ito.

"Shut up. Si papa lang ba ang gumawa sa akin? Hindi diba? Diba? May mama pa ako. May mama pa. Takteng yan. Magulat ka, lumabas ako kay papa. Hindi mo ba naisip yun o sadyang wala ka lang isip? Pinagdududahan mo ako kasi hindi kami magkapareho ni papa? Bwisit. May mama pa ako. May mama pa akong gumawa sakin" he was kinda shock because of the bitterness in my voice. Ito ang kinakainis ko sa mga tao eh. Walang common sense. Pinagdududahan niya ako kung anak ba ako ng heneral nila? Pakshet. Si papa lang ba gumawa sa akin kung sakaling naging anak niya nga ako? Bakit ba pinaglalaban ko? Hindi naman niya ako tunay na anak.

Nanahimik na lamang siya at binilisan ang lakad. Muntikan na akong matawa dahil mukhang naapektuhan siya sa sinabi ko. Nahiya ata?

Ilang saglit lang ay tumigil na kami sa harapan ng isang... abundunadong gusali? Kinakalawang na ang gate nito at ang bakod ay ginagapangan na ng mga ligaw na halaman. Nakita ko naman sa loob ang isang mansyon. Kasing laki lang rin ito nung dormitoryo na pinakita sa akin ni Heister kanina pero mas mukha itong lumang bahay. Kinakapitan na rin ito ng mga baging at ang bakuran ay natatakpan na ng mga naghahabaang mga damo na umaabot sa bewang. Ang daan patungo sa pinto ng dormitoryo ay tinutubuan na rin ng maliliit na damo.

"What are we doing here?" tanong ko sa lalaking nasa tabi ko. Diretso lamang ang kaniyang tingin at tila hindi nababahala sa itsura ng lugar.

"This is the Kings Dormitory." Saad niya at binuksan ang gate. Medyo nahirapan pa siya dahil sa kalawang. Pumasok naman kami at nilakbay ang daan patungo sa pinto.

"Kings? Isn't that suppose to be the highest dormitory here?" halata naman sa pangalan ng dormitoryo. King means number one.

"Unfortunately not. Dormitory names are useless and meaningless if you can't live up with it's name. That's just it" aniya na parang wala lang sa kaniya. Sabagay, tama rin ang sinabi niya. Walang saysay ang isang titulo kung hindi mo kayang pangatawan.

Nakarating na kami sa pintuan. Tumingin ako sa aking paanan at nakita ang isang doormat. Malinis pa ito. Maski ang pinto ay malinis rin. Marahil ay may nagpapanatili pa rin nito kahit papaano. Kumatok si Kleiv sa pinto. Ilang minuto ang lumipas ay wala pa rin' nagbubukas.

"Let's go in" suhestyon niya habang hawak na ang seradura ng pinto. Tumango na lamang ako. Pinihit niya ang seradura at itinulak ang pinto. Rinig na rinig ang tunog na nalilikha ng pinto.

Pumasok kami sa loob at hindi ko inaasahan ang nakita ko. Hindi ganoon ka-elegante ang lugar. Sa katotoohanan, halos gawa lamang sa kahoy ang mga kagamitan. Ang bumungad sa amin ay ang sala. Meron rin' dalawang hagdan sa magkabilang dulo ng malaking silid at patungo lamang iyon sa iisang direksyon, sa gitnang bahagi ng ikalawang palapag.

Sa taas ay naroon ang isang simple ngunit maliwanag na chandelier. Ang sahig ay gawa sa kahoy at sobrang linis nito na tila kikintab na. Pag tumingin ka sa kanan ay may makikita kang doubledoor na nakabukas at pag pinasok mo ito ay may pasilyo. Ganoon rin sa kaliwa. Mukhang sa kanan ay patungong kusina. Habang ang kaliwa naman ay patungo sa palikuran.

Hindi ko inaasahan na ganito ang magiging itsura ng loob.

"Tignan mo nga naman, it's vice president" napatingin kami sa kanan at nakita ang isang payat at matandang babae pero tila puno pa ito ng enerhiya. Nakasuot ito ng dilaw na damit na umaabot hanggang sa kanyang binti at pinatungan ng puting apron. Nakarolyo rin ang mahaba niyang manggas sa kaniyang siko.

"Nilipat ka nila dito?" malawak ang ngiting sabi niya at tila inaasar pa si Kleiv. Tumango lamang si Kleiv dito. Tumingin naman sa akin ang matanda. Lumapit ito at pinagmasdan ang mukha ko. Hinawakan pa niya ang kaniyang baba.

"Hmm, ngayon lang kita nakita rito. First year?" tanong niya at tumango na lamang rin ako.

"Kung ganon, feel welcome to our academy" ngumiti siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bahagi ng kaniyang bewang.

"May dumating rin na dalawang bago kanina at mukhang natutulog na sila ngayon. You can meet them tomorrow morning" sabi niya. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita na palubog na nga ang araw. Hindi ko man lang napansin ang oras.

"Nandito rin kanina si Vyann pero umalis din kaagad. Nakakatuwa talaga ang batang 'yon. Nababawasan ang trabaho ko dahil sa kanya ha ha ha! Ganda ng kintab ng sahig diba?" Aniya at tila tuwang-tuwa pa.

"No doubt. That clean freak did this" saad ni Kleiv. Nagsalubong ang kilay niya at bahagyang napanguso ang mga labi dahil sa iritasyon. Kinuskos pa niya ang suot niyang sapatos sa sahig.

"Oh eto na" mabilis kong sinalo ang bagay na ibinato sa akin ng matanda. Binuksan ko ang kmay ko at nakita ang isang susi. Ganoon rin si Kleiv.

"Wag niyong iwawala yan ah. Hindi ko na kayo bibigyan ng bago" sabi ng matanda at naglakad na palayo. Tinignan ko ang susi at nakita ang numero na nakaukit rito.

Naglakad na paakyat si Kleiv hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. Mukhang pupunta na siya sa kwarto niya. Umakyat na rin ako at hinanap ang kwarto. Nung nakita ko na ito, binuksan ko ang pinto at pumasok.

Simple lang din ang kwarto. Gawa sa kahoy ang mga pader, kisame at sahig. Kasya ang dalawang tao sa kama, sa gilid ng kama ay naroon ang isang lamesa na may kasamang upuan. Sa gilid ay nakita ko ang isang aparador. Simpleng simple at mas komportable ako sa ganoon. Walang banyo sa loob ng silid, hindi katulad ng iba.

Humiga ako sa kama at ipinikit na ang mga mata dahil sa pagod.

Excelium [Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon