Zai's Point of View
Minulat ko ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang bubong na natitiyak kong hindi pamilyar sa akin. Nanlalabo pa ang paningin ko at nakakaramdam rin ako ng pagkahilo.
Umupo ako at hinawakan ang kaliwang mata ko. Lalo akong nahihilo dahil sa paglabo ng mga ito. I clicked my tongue as I endure the pain in my head for a few moments.
Ilang segundo lamang ay luminaw na ang pananaw ko. Lumingon ako sa kaliwa at kanan ng dahan-dahan. Lahat ng nakikita ko ay hindi pamilyar sa akin.
Sa pagsusuri ko, napag-alaman kong nasa loob ako ngayon ng isang kubo. Ang hinihigaan ko ngayon ay isang papag o higaan na gawa lamang sa kahoy at buho. Kaya pala ang sakit ng likod ko.
Nababahala na ako sa paligid ko. Nasaan ba ako? Bumaba ako mula sa papag at nilapitan ang maliit na bintana na naroon. Bahagya akong nagulat noong mabungaran ko ang mga puno na sumasabay sa daloy ng hangin. Humuhuni rin ang mga ibon na nasa kalangitan. Naririnig ko rin ang malakas na tinig ng mga kuliglig.
Anong lugar 'to? Paano ako napunta dito?
Natigilan ako sa pagtanaw noong may narinig akong kaluskos na tila ba may bumukas na isang magaan na pinto.
Lumingon ako sa likuran ko at napagmasdan ang isang babae na ang edad siguro ay nasa trenta. Ang una kong napansin sa kanya ay ang kanyang kadamitan. Bago ito sa aking paningin.
Ang kanyang suot na bestida ay puno ng mga tagpi. May bakas rin doon ng mga dumi. Ang kanyang sapin sa paa ay sira-sira na rin at tila pinagtitiisan na lang. Nadako ang kanyang mga mata sa akin. Bahagya pa siyang nagulat noong magtama ang mga mata namin.
"Ika'y nagising na pala, binibini." tipid siyang ngumiti at lumapit sa akin.
"Nasaan ako?" diretsong tanong ko sa kaniya.
"Ikaw ay kasalukuyang tumutuloy sa bayan ng Bermania, binibini." magalang niyang saad at lumapit sa isang lamesa at doon inilapag ang mga pagkain na kanina niya pa hawak.
"Bermania?" naguguluhang saad ko. Tumango naman siya.
"Ang Bermania ay iyong matatagpuan sa timog na bahagi ng kahariang Centrio." Kaharian? Centrio? Anong kalokohan 'to?
"Wala ho akong panahon na makipaglokohan sa inyo. Nais ko pong malaman kung nasaang bahagi ako ng Pilipinas at bakit ako nandito?" alam kong hindi maganda ang pagkakasabi ko pero natataranta na ako. Hindi ko alam kung nasaan ako at anong mangyayari sakin. Wala rin akong dalang pera bilang pamasahe pabalik sa bahay.
Ngumiti siya ng tipid sa akin at tumuwid ng tayo. Pinagmasdan niya ako ng hindi nawawala ang mga ngiti sa kaniyang labi. "Ang Pilipinas na iyong tinutukoy, ayun ba ang iyong pinagmulan?" naguguluhan man ay tumango naman ako bilang kasagutan. "Paumanhin binibini ngunit walang lugar na Pilipinas sa buong Centrio. Kung meron man, marahil ay isa itong maliit at hindi kilalang nayon."
Bakit 'to nagsasalita na parang kailanman ay hindi lumitaw ang Pilipinas sa mundo? Tinitigan kong maigi ang kaniyang mga mata ngunit wala akong nakitang bahid ng kasinungalingan. Marahil ay nagsasabi siya ng totoo.
Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Hindi ko alam kung ano ang maaaring mangyari sa akin dito at dahil do'n ay nababahala ako. Para akong isang musmos na bata na nawala at hindi alam ang daan pabalik. Hindi ko gusto ang ganitong pakiramdam. Hindi ako komportable.
Naikuyom ko ng mahigpit ang aking mga kamay at pilit na pinapakalma ang sarili. Makakabalik rin naman ako diba? Marahil ay isa itong panaginip. Tama-tama. Nasa isip ko lang 'to. Hindi 'to totoo.
BINABASA MO ANG
Excelium [Editing]
Fantasy[Book 1 of Excelium] Written in TAGLISH As they say, what matters most in life is not the beginning nor the closing, it's the middle part of the plot that you construct yourself. Get your dream job, have good friends and acquaintances, fall in love...